Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Bagong Taon, Bagong Buhay!

Marami ng mga pagsubok, paghihirap, at mga problema na ang dumating sa ating buhay noong 2015. Pero salamat sa iyo dahil dumaan ka sa aming buhay. Maraming mga bagong karanasan at mga di makakalimutang pangyayari. Subalit ngayong Bagong Taon kalimutan na ang di magagandang nangyari nung nakaraang taon at 2016 na salubungin ang bagong taon ng masaya at masagana, na may ngiti sa labi.

Marami tayong mga pangarap na sana’y dinggin sa susunod na taon. Tuwing sasapit ang bagong taon, gumagawa tayo ng mga New Year Resolution, na mga gagawin sa taong iyon. Marami akong mga gustong baguhin at gawin sa bagong taon. At Ngayong 2016 Ito ang lima kong New Year Resolution:


1) Magpapataba- Di na ako maglilipas ng pagkain upang tumaba na ako. Dahil sa mga gawain at sa mga aktibidad sa paaralan ay di ko na napapagsabay ang kumain. Ngayong 2016 mas dadamihan ko ng kumain upang ma-achieve ang gusto kong katawan.

2) Maging masipag sa gawaing bahay- dahilan ng maraming gawain sa paaralan ay di ko napapagsabay ang dalawa, ang gawaing bahay at mga takdang aralin. Ngayong 2016 gagawin ko na ang lahat upang mapagsabay ito at makatulong sa magulang.

3) Mas pag-iigihin pa ang pag-aaral lalo na ang akademiko- Nag-aaral ako ng mabuti. Ginagawa ko ang responsibilidad ko bilang mag-aaral. Ngunit sa dami ng extra-curricular ko, medyo di ko na napagtuunan ng pansin ang akademiko. Ngayong 2016, medyo babawasan ko muna ang pagsali sa iba’t-ibang club o organisasyon at mag pagtutuunan ko na ng pansin ang akademiko

4) Maging mang-aawit- hindi sa pagmamayabang, isa na akong mananayaw o dancer at isa na rin akong actor sa tyatro ng aming paaralan. Sana Ngayong 2016, maging isa na rin akong mang-aawit o singer para complete package. At gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang aking pangarap.


5) Maging isang Artista- Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan maging isang artista parang biglang pumasok na lang sa isip ko na gusto kong maging artista. Sana ngayong 2016, sana’y ito’y matupad at kung hindi man sa taong ito ay baka sa susunod pang mga darating na taon.

Sabado, Disyembre 26, 2015

Pagmamahalan, iyan ang Diwa ng Kapaskuhan


Pasko Naaaaaaaa! Maligayang Pasko sa ating lahat at Maligayang kaarawan sa iyo Panginoon. Ngayong pasko maraming regalo na naman ang matatanggap ng lahat, mga kay dami at kay sarap na mga handa.
Maraming dumating na mga bisita sa amin. Mga tito at tita dala ang kanilang mga regalo’t aginaldo sa amin. Nahihiya nga kami kasi wala kaming regalo sa kanila pero alam naman nila na GG kami ngayong pasko. Naghanda kami ng aming Noche Buena. May Spaghetti, Fruit Salad, Maja Blanca at iba pa. Medyo maingay ang pagdiriwang ng pasko sa amin dahil nag-video-oke kami at halos mga kapit bahay namin ay nagkakantahan din. Di rin mawawala ang pag-iinuman ng aking ama at mga tito.



Pero sabi nga ni Lola Nidora, “di naman mahalaga kung madami o magarbo ang handaan, basta’t sama-sama ang buong pamilya at nagmamahalan, yun ang diwa ng pasko”.

Huwebes, Disyembre 24, 2015

Ang aking Wish List ngayong Pasko: "Walang imposibleng mangyari, Lahat ng bagay ay mangyayari Sa Tamang Panahon".

Tuwing sasapit ang kapaskuhan, regalo agad ang nai-isip ng karamihan. Mga bagay na gustong nating makamtan sa ating mga magulang, mga kamag-anak, at sa mga ninong at ninang natin. Ngunit bago pa man tayo binyagan mayroon na tayong ninong na gumagabay sa atin, nagbibigay ng pangangailangan at mga aginaldo hindi lang tuwing pasko kundi araw-araw. Siya yung nagbibigay ng lakas, talino, at buhay na walang hanggan, ang ating panginoon.

Ngayong darating na kapaskuhan, hindi mahaga ang mga regalong matatanggap natin. Mamahalin man yan o mumurahin. Maganda man o hindi. Basta’t sama-sama at nagmamahalan ang pamilya, hindi yun matutumbasan ng kahit ano mang regalo. Dahil ang pamilya ang napakahalagang regalo na natanggap natin sa ating buhay nating lahat.

Marami akong hiling na sana’y matupad kahit Imposibleng o malabong mangyari. Marami akong hiling, pero sampu lang ang nailista ko dito.

1) Maging Artista- May kasabihan nga tayong “Walang imposible, sa taong nangangarap at nagsusumikap”. Alam kong medyo mahirap makamit ang bagay na ito pero wala namang masamang magarap di ba!?. Sa totoo lang dati ko pa talagang gustong maging isang artista dahil naiinggit ako sa mga taong biglang sikat sa industriya. Alam ko naman sa sarili ko kaya kong maging isang artista kung pagsusumikapan at gagabayan naman ako ng diyos upang makamit ko ang bagay na ito.

2) Maging isang sikat na Aktor- dati mahiyain talaga ako sa pag-aarte, pero nung nag-audition at nag-workshop ako sa aming paaralan para sa musical theater doon lumabas ang natatago kong galling sa pag-aarte. Maski sa loob ng aming silid-aralan ako ang laging may ganap, kung hindi bida, kotra-bida. Kahit anong role ay kaya ko. Alam kong napakataas ng pangarap kong ito, pero gagawin ko ang lahat para makamit lamang ito. Kahit di man ngayon, kahit ilan taon pa ang lumipas ay sana matupad ang pangarap kong ito.

3) Magkaroon ng sariling Cellphone- Itong hiling kong ito ay malapit ng matupad dahil ang aking tita ay nagbabalak bilhan ako ng cellphone. Gusto kong magkaroon ng sarili kong cellphone Bakit? dahil di ko matago-tago ang mga sekreto ko kila mama. Yung mga message ko, siya ang unang nakakabasa.

4) Magkaroon ng maraming Kaibigan- Mahiyahin talaga ako dati pa pero ngayon magbabago na ang dating dave. Hindi na ako magiging isang mahiyain na tao at kakapalan ko na ang aking mukha. Upang magkaroon ng madaming prends at magiging friendly ako sa lahat.

5) Tumaba- Dati ko pa gustong tumaba pero ito wala pa rin nangyayari. Kahit kain ako ng kain wala ganito pa rin, payatot. Sabi nila mabilis lang daw talaga metabolism ko kaya walang nangyayari sa katawan ko.

6) Mag-bonding ng pamilya- Dahil busy sa mga gawain kaya di kami nakakapamasyal sa kahit saan. At laging nakamukmuk sa loob ng bahay. Sana ngayong pasko ay makapagbonding na kaming mag-anak.

7) Magkaroon ng madaming damit pang-alis- Halos maliliit na kasi ang mga damit ko, at halos lahat ipapasa ko na sa aking kapatid na lalaki. Sana ngayong pasko, yung mga ninong at ninang ko iregalo sa akin ay damit para di paulit –ulit ang aking isinusuot tuwing aalis kami.

8) Makapanood ng “My BebeLove”- dahil isa rin ako sa mga fan ng aldub gusto kong mapanood ang pelikula nila meng. Gusto ko mapanood kung paano si maine umarte dahil sa pagkaka-alam ko di pa siya nakakapag-workshop kahit isa at unang pelikula niya ito.

9) Makita si Maine Mendoza sa personal- unang labas pa lang niya sa telebisyon hangang-hanga na agad ako sa kanya dahil sa galing niyang mag-dubsmash at kahit wala pa ang kalyeserye at juan for all, all for juan pa lang si Yaya Dub talaga ang inaabangan ko tuwing eat bulaga dahil sa ang galing niyang magdubsmash;

10) Makapunta ng Showtime o Eat Bulaga kasama ang pamilya at mga kaibigan- dati ko pang gustong makapunta dun. Sana man lang makapunta at makapasok ako doon kasama ang pamilya at ang mga kaibigan.


Linggo, Oktubre 11, 2015

Bayani ng Buhay ko

Guro ang siyang humubog sa kaisipan nating mga kabataan . Sila ang ikalawang magulang natin sa paaralan. Sila ang matiyagang nagturo sa atin para tayo’y matuto sa pagbasa, pagsulat, at pagbibilang. Utang natin sa kanila ang kanilang pagsasakripiso sa patuturo bagkus kung hindi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa ating timatamasa. Utang sa mga guro ang pagkakaroon ng mga lider ng bansa, pagkakaroon ng magagaling na engineer at architech, mga businessman at marami pang iba na naging maunlad dahil sa kanila.

Maraming guro na hindi lubusang nabibigyan ng atensiyon at napapangaralan. Maituturing na “bayani” ang mga guro na nagtuturo sa mga liblib na lugar sa probinsiya. May mga guro na nagtitiis maglakbay ng ilang kilometro para marating lamang ang eskwelahan na pinagtuturuan at magampanan ang tungkulin sa mga estudyante. May mga gurong naglalakad sa putik na daan para lamang mapuntahan at maturuan ang mga bata sa liblib na lugar. Tinitiis nilang mawalay sa kanilang mga anak ng ilang oras para lang maturuan ang libo-libong estudyante.


Nakakahanga ang mga guro na dahil sa kanilang marubdob nilang hangarin na maturuan ang mga kabataan ay hindi natatakot na madukot o lapastanginin ng mga taong may maitim na budhi. Lubhang kahanga-hanga ang mga guro na sa kabila nang maliit na sweldo ay walang sawa sa pagtuturo at tinutupad ang responsibilidad sa mga mag-aaral. Marami ang mga guro ang hindi nagrereklamo sa kabila na ang kanilang buhay ay salat na salat sa maraming bagay dahil ang mahalaga sa kanila ay ang magserbisyo at magbigay ng kaalaman sa mga kabataan bagkus ang kaalaman ay hindi nakukuha o nananakaw ng iba at ito’y madadala at pwedeng gamitin sa magandang bukas.

“Aking Guro, Aking Bayani” tunay talagang bayani ang mga guro dahil sila ang daan upang matupad ang ating mga pangarap o minimithi at magdadala sa atin sa maganda ng bukas.



Linggo, Oktubre 4, 2015

Kahalagahan ng Sanaysay

Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasanng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-akda. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil saisang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Ito ay mahalaga sapagkat dahil paglalahad ng matalinong Opinyon mga peronal na saloobin o damdamin. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ngpagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Martes, Setyembre 29, 2015

“Kaya mo, Kaya ko, Kaya nating lahat”




Sa tingin nila ang mga babae ay mahihina, pwes nagkakamali sila. Dahil Dito sa pelikulang ito, pinapakita na ang mga babae ay hindi pang bahay lang, ang mga babae rin ay panglabanan rin. Sila ay malalakas din kung di ninyo inaakala. Kung inaakala ninyo na ang mga lalaki lang ang nakakagawa ng mga bagay na mahihirap katulad ng pakikipaglaban, pagiging wais, at pagiging mautak. Ang mga babae rin ay nakakagawa rin niyan. Kaya wag ninyong maliitin ang mga kababaihan dahil sila rin ay tao na may kakayahan na gawin ang mga kaya ng mga kalalakihan.

Linggo, Setyembre 27, 2015

“Sapat, Dapat!”

Ang karapatan ay isang bagay na dapat matamasa ng isang mamamayan. Ito ay ang dapat makamit ng bawat indibidwal. Ngunit, bakit ang iba, ang karapatan nila ay hindi sapat? Katulad ng mga kababaihan, Alam natin na dati ay wala talaga silang karapatan. Sila’y nasa kanilang tahanan lamang upang pagsilbihin ang kanilang mga asawa. Subalit ngayon, sa pagbabago ng panahon at sa mga grupo na nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan, nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan. Pero masasabi mo bang sapat ang naibigay na karapatan para sa mga kababaihan?
Sa palagay ko, ang karapatan ng mga kababaihan ay hindi sapat. Hindi katulad ng mga kalalakihan ay sagana sa mga karapatan. Dito sa Pilipinas, talamak ang krimen at pang-aabuso ng mga kababaihan. Sa katunayan, walang araw na walang napabalitang krimen patungkol sa pang-aabuso sa mga babae. Paano mo masasabi na ang karapatan ng mga babae ay sapat kung lagi kang may naririnig o napapabalitang, Rape dyan, rape dito. Bugbog dyan, Bugbog dito.

Sana sa pagdating ng tamang panahon matuldukan na ang mga problema nating 0mga Pilipino patungkol sa Karapatan ng mga kababaihan.

Linggo, Setyembre 20, 2015

Nakakapagad na Sabado’t Linggo

SABADO:

Halo-halong emosyon ang aking nadama sa araw na ito. Gumising ako ng may pagmamadali dahil baka ako’y mahuli sa seminar patungkol sa First Aid. Nasa camping ako nun sa Mayamot Elementary School. Walang tulog dahil sa init at parang sardinas na nasisik-sikan sa loob ng silid. Alas-kwatro ng umaga umuwi kami upang maligo at maghanda para sa nabanggit na seminar. 

Pagkapunta sa paaralan, antok na antok ako kahit pa sobrang ingay ng mga tricycle na nagsisigawan. Pagkapasok ng silid, deretso idlip ako, ang kaso ilang minuto na lang andyan na ang magpa-facilitate. Parang sabog na ewan ako sa silid, ung iba tingin ng tingin sa akin dahil sa tulog ng tulog ako. Hindi ako makakinig ng maayos. Hindi ako makapagsulat dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.  

Subalit pagkapatak ng alas-dose, “eat bulaga na! ALDUB na!”. Binuksan namin ang TV upang manood ng Eat Bulaga. Doon nawala ang aking antok. Tumutok kami ng maigi sa mga mangyayari sa kanilang pagda-date. Ngunit sobang saglit na oras lamang namin ito pinanood. Hindi namin nakita ang kanilang pagda-date sa kadahilanang hindi panonood ng ALDUB ang aming pinunta doon bagkus magkaroon ng kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas. 
Pagkauwi ng bahay, nagpaalam agad ako kay mama na ako’y pupunta sa Mayamot upang tulungan ang mga Boy Scout sa mga gagawin sa pag-board ng Venturer. Pagkapunta ko ng mayamot ang ginawa ko agad ay humiga at matulog. Pero hindi ako natulog sa sobrang ingay ng paligid. Pinagalitan ako ng aming guro sa Boys Scout na dapat hindi na ako pumunta doon, dapat dumeretso na ako sa aming bahay upang magpahinga dahil kinabukasan ay may seminar pa. Pinauwi ako ni sir upang hindi ako mapuyat at makapahinga ako ng maayos. Umuwi ako n gaming bahay. At natulog ng mahimbing.

LINGGO: 

Pagkagising ko nakita ko sa aming relo na alas-otso na, nagmadali akong maligo, magbihis at umalis sa bahay. Akala ko late na late na ako, buti na lang marami akong karamay. Hindi na ako naantok dahil nakapahinga narin ako. 

Ansaya! ngayon ko lang naranasan na binubuhat ako ng aking mga kaklase lalo pa’y sila’y babae. Nagkaroon kami ng contest. Ako ang nagkunwaring biktima. Ilang beses akong binuhat. Parang ginawa akong mammy sa dami kong bandage sa katawan. Pero sa huli kami ang nanalo, ang dahilan ng kabilang grupo ay sobrang gaan ko daw kesa sa kanilang biktima. 


Pagkatapos ng First Aid Seminar, umuwi na kami. Habang pababa kami sa paaralan, bigla kaming may nakitang isang pusang wala nang buhay. Nakasabit ito sa mataas na poste. Sa isip-isip ko sinadaya ito ng taong nagpatay sa pusa. Naawa kami sa pusa. Nagpatuloy kami sa paglalakad, pakatapos ay nagsitakbuhan kami dahil natakot kami sa aming nakita. Bigla naming nakita ang isang babaeng may karga-kargang parang bata na kanyang kinakausap. Nakita namin na ang kanyang kinakausap ay isang pusa. Natakot kami sa kilos ng babae, kaya nagmadali kami sa paglalakad. Pagka-uwi bumungad sa aking mga mata ang sanda-makmak na pagkain. Hindi ko naalala na kaarawan pala ng aking kapatid. Kumain ako ng marami. Pagkatapos ay ginawa ko na ang mga takdang aralin at naghanda para bukas.

Pang-aabuso sa mga hayop, Itigil mo na!

Ang pang aabuso sa mga hayop ay ang pagmamaltrato at pananakit pang pisikal. Maraming mga hayop ang naabuso sa maraming paraan. Inaalagaan ng kanilang mga amo sa una pero pagtumagal ay mamaltratuhin lang pala. Parang pagibig, ibinigay mo na ang lahat pero sa huli’y masasaktan ka lang. Ung iba naman pag may okasyon ang mga hayop katulad ng mga aso matapos alagaan ay kinakatay lang para pang handa. 

Marami akong gustong sabihin sa mga nagmamaltrato o nang aabuso sa mga hayop. Wala namang sapat na dahilan kung bakit nila kailangan itong gawin. Ang mga hayop ay walang mga isip. Ang kanilang isip ay nasa 1% lamang kumpara sa atin na may 10% na pag-iisip. Kaya kailangan ng sapat na unawa para sa mga hayop. Ang mga hayop ay parang tao rin, kailangan mong alagaan at kailangan wag mong ring sasaktan o abusuhin. Ang mga hayop ay nilikha rin ng diyos sa madaming dahilan. Kaya wag na wag mamaltratuhin ang mga hayop dahil mayroong mga batas dito na pwede mong ikapahamak.

Huwebes, Setyembre 10, 2015

"ahn-nyong-ha-se-yo. Korea"

Kung ako man ay may pagkakataon makapunta sa Korea. Haaay! Hindi ko na ito papakawalan. Dahil kung mayroong pagkakataon o opotunidad, kunin mo na! Wag nang pabebe! Sabi nga nila, “Grab the Opportunity”, kung mayroon. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong kunin ang opotunidad na iyon. Isipin mo muna ang kahihinatnan nito, kung ikakabuti o ikakasama ba ng buhay mo.

Sino bang ayaw maka punta sa Korea!? Halos lahat ata tayo gustong makarating sa bansang iyon. Subalit kung ako man ay makakapunta sa korea, ano-ano kaya ang mga magandang gawin pagdating sa bansang iyon. Ito ang sampung gusto kong gawin pag punta sa Korea:

1) Makakain ng mga sikat na pagkain katulad ng Kimchi, Bibimbap, at Bbopki. 

2) Ang makapunta sa Namsan Tower, marami rin mga tao ang pumupunta dito dahil naglalagay sila ng mga kandado na may mga sulat na kalakip at maaaring mailagay sa taas ng Namsan Tower. Gusto ko kasing maranasang isulat ang pangalan ko sa podlock at at ilock ito sa tower dahil pinaniniwalaan ng mga Korean na kapag nagpadlock ka dito kasama ang pangalan ng mahal mo ay magiging kayo na forever. 

3) Jeju Island ang pinaka pinagmamalaki ng korea kaya gusto ko itong mapuntahan. 

4) Ang mag-aral ng Hangul na ang nagtuturo ay mismong gurong korean. 

5) Ang makainom ng Soju dahil sulit daw ang pagpunta mo dito kong iinom ka ng itinatampok nilang inumin. 

6) Makapunta sa makasaysayang pook dito. 

7) Ang malapitan ang Winter Sea, gusto kong tanawin ang mga nagagandahang mga alon nitong dagat na ito. 

8) Ang makapanood ng isang live na Mcountdown o di kay ay KCON. 

9) Ang makahanap ng mga kaibigan sa bansang ito at mapuntahan ang kaibigan kong Korean Boy Scouts na sila Melisa Moon, Chloe Kim at iba pa. 

10) Ang malibot ang kabisera ng bansang ito na SEOUL. Maraming mga tao ang pumupunta dito sapagkat ito nga ang kabisera at marami ka ring mabibili na kung ano-anong bagay. 

Biyernes, Setyembre 4, 2015

Pala-BER-rong mga buwan!


Saya, Lungkot, at Inis, halo-halong emosyon ang aking nadarama ngayong pagsapit ng Ber Months. Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre apat na buwan na siyang inaabangan ng lahat. Setyembre na, pero para bang di ramdam ang kasiyahan dahil sa mga problemang nangyayari sa ating buhay.


Nararamdaman ko na aasa na naman ako sa mga darating na araw. Aasa na naman ako na bibigyan ako ng regalo ng aking magulang sa pagsapit ng aking kaarawan, at aasa rin na mabibigyan ako ng maraming regalo sa pasko. Hay! Palagi na lang paasa. Katulad na lang sa pag-ibig, binigay mo na ang lahat pero pina-asa ka lang pala niya. Kaya wag tayong maniniwala sa mga taong nangangako, dahil minsan ang kanilang pangako ay napapako.

Hindi ako nasasabik sa darating ng pasko. Hindi ako nasasabik sa mga regalo't aginaldo na darating o sa mga mensaheng naglalaman ng pagbati ng mga kaibigan ko at hindi rin ako nagagalak sa nalalapit na kaarawan ko dahil hindi maalis sa isip ko ang ang nangyari dati. Hindi namin naramdaman ang simoy ng pasko dahilan ng wala kaming pera kaya simula setyembre hanggang disyembre kami ay nasa bahay lamang. at doon namin ipinagdiriwang ang pasko.


Pero kahit ganoon basta't sama-sama ang pamilya sa pagsapit ng pasko masaya na ako doon. Dahil ang mas mahalaga buo ang pamilya.


Huwebes, Agosto 27, 2015

Paano at Bakit kailangan maging maingat sa pagpapahayag ng ating damdamin?

Sa totoo lang, marami tayong mga gustong sabihin o ipahayag sa taong gusto nating ibuhos ang ating nadarama. Bagamat marami tayong gustong ipahayag, ang hirap naman nitong sabihin sa taong ating sasabihan. Pagsabi lang ng I love You! sa taong mahal natin, ang hirap! Pati nga sa magulang hindi natin masabi-sabi. May mga bagay talaga na hindi natin kayang sabihin harap-harapan sa ibang tao. Marahil na takot tayong malaman kung ano ang kanilang reaksyon o tugon sa ating sasabihin. Kaya minsan sinasabi natin ito sa pamamamagitan ng iba’t ibang istratehiya o paraan.

Sa pagpapahayag ng ating nadarama maliban sa pagsabi ng pasalita, sinasabi natin ito sa pamamagitan ng pasulat. Ito ang isa sa halimbawa kung paano natin ipahayag ang ating nadarama:


Social Media- facebook, twitter, instagram at iba pang website ang ating pinupuntahan upang masabi lang ating nadarama. Dito natin minsan ipinapahayag ang ating damdamin lalo na kung punong-puno na tayo. Ngunit pagdating sa social media kinakailangang maging disente’t maayos ang pagpapahayag natin ng ating nadarama at walang halong mura’t mga masasamang salita dahil libo-libong tao ang nakasubaybay o nakakakita ng ipinu-post natin.

Sabi nga sa GMA News, “Think before you Click” na nangangahulugang pagisipan muna natin ang ating mga sasabihin bago natin ipagkalat sa nakararami. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pagpapahayag ng ating damdamin.

Miyerkules, Agosto 26, 2015

Pakiramdam sa pagkuha ng NCAE

Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig ang salitang NCAE. Ano nga ba ang NCAE? Ang NCAE o National Career Assessment Examination ay isang test upang malaman ang maaari mong kuning kurso pag tayo’y magkukolehiyo na. Ang bilis talaga ng oras. Ngayon pa lang inaalam na natin ang ating kukuning kurso. 

Noong pagpasok ko sa silid, kung saan ako magte-test. Inisip ko kung ano ang mga tanong na lalabas sa Exam. Pero hindi ako nag-aalala dahil alam ko wala naman ditong bumabagsak. Pero nung nalaman ko na dito pala kinukuha ang resulta na kukunin mong kurso, kinabahan ako! Paano na lang kung Pari, Magsasaka o kahit anong trabaho na hindi ko naman gusto ang maging result ang NCAE ko? Naalog ata ang utak ko sa dami ng mga tanong lalo na sa Accountancy at Business Management, na kada tanong may babasahing mahabang sitwasyon.

Idadagdag ko na rin ang aming tagapagbantay na napaka bait dahil binigyan niya ako kahit kaunting oras upang matapos ang pagsasagot ko na NCAE dahil na rin sa pagiging pasmado ko na nagpabagal sa pagsagot ko at dahil na rin sa mga nakasama ko sa loob ng silid na mga walang modo. Sila’y sobrang ingay kahit pinapagalitan na ng aming tagapagbantay nag-iingay pa rin at nagbabatuhan pa nga ng kanilang bote (thumbler). Gusto na ngang tumayo sa inis at sabihin na, mga walang respeto kayo!. Pero hinayaan ko na lang dahil baka’y mabaliktad ang sitwasyon, ako yung maging walang respeto dahil nagmamataas ako.

Pagkatapos ng NCAE, nakahinga na ako ng maluwag. Ngunit hindi maalis sa aking isipan kung ano kaya ang magiging result ang pagsusulit na iyon.

Linggo, Agosto 16, 2015

“Simula ng panibagong yugto ng pagiging baitang siyam”

Sabi nga nila “walang poreber!” dahil sa bawat katapusan may bagong simula. Natapos na ang unang markahan at may panibago na namang simula ng pangalawang yugto ng pagiging baitang siyam. Sa bawat simula ng markahan, marami tayong mga inisip na inaasahan natin sa markahang ito. Hindi ko lubos maisip na ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na ikalawang markahan na pala. Hindi ko man lang naseryoso ang unang markahan. Ngunit marami akong inaasahan ngayong markahang ito. Nais kong baguhin ang mga nakagawian kong mali sa nakaraang markahan. 


Inaasahan ko sa panibagong markahan na mas magiging aktibo ako sa klase. Sisikapin kong magtaas ng kamay pag may talakayan. At tatanggalin ko ang aking hiya sa harap ng aking mga kaklase, sa pag-uulat o sa pagdula-dulaan man. Kaya maga-advance review ako para masundan ko ang mga ituturo ng aming mga guro sa paaralan. 

Ang pagiging late o pagiging huli sa klase ang isa sa gusto kong baguhin sa mga susunod na markahan. Gagawin ko ang lahat upang gumising ng maaga. Dahil na rin sa pagod kaya hindi ako nagigising sa tamang oras. Kaya gagawin ko na ng maaga ang lahat ng aking mga takdang aralin o mga proyekto upang hindi na ako magpuyat.
Minsan dahil na rin sa dami ng mga gawain hindi ko nagagawa ang lahat ng ito. Kaya minsan nira-rush ko ang ibang gawain. Ginagawa ko nga yung iba habang nagtatalakayan. Kaya gusto kong baguhin ang nakasanayang gawain na ito, ang pagra-rush ng takdang-aralin o mga proyekto. Kaya habang maaga tapusin na ang mga gawain at huwag magmadali sa paggawa nito. At balansehin ang mga oras upang hindi maguluhan kung ano ang uunahin.

May kasabihan ngang “Pag-gusto mo maraming paraan, Pag-ayaw mo maraming dahilan”. Nawa’y ang mga isinulat ko na ito ay maisakatuparan at magawa ko ng tama.





Sabado, Agosto 15, 2015

“Unang Markahan, Unang Pahirap”

Saya, lungkot, inis, at pagod ang aking nadama sa paunang markahan. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala ang klaseng paghihirap ang mararanasan ko ngayong nasa ikasiyam na baitang na ako. Unang markahan pa lang mukhang susuko na ako. Sa mga pinapagawa ng aming mga guro ng takdang aralin, mga proyekto at iba pa. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, gawain sa bahay o mga pinapagawa sa paaralan. Sa oras pa lang, hirap na akong magbalanse lalo na may gampanin pa ako sa paaralan bilang SSG officer. Napapagalitan na nga ako minsan ng aking nanay na bakit araw-araw akong nasa eskwelahan pati sabado’t lingo wala ako sa bahay. 


Dalawang buwan pa lang, marami na akong kakaibang mga naranasan sa markahang ito na hindi ko pa nararanasan sa mga nakalipas na taon. Hindi sa pagkakaila, ngayong taon ko lang naranasan ang pagkahimatay sa gitna ng maraming tao. Dahil sa hindi ako kumain ng maayos sa araw na iyon, nahimatay ako at pinagtulong-tulungan akong buhatin papuntang clinic. At doon ko naramdaman ang pagmamalasakit nila sa akin bilang isang totoong kaibigan. 


Ngayon ko lang rin naranasan ang umiyak ng sobra. 1st time kong umiyak sa harap ng aking mga kaibigan. Dalawang beses pa nga akong lumuha. Ang una ay yung nagalit ang isa kong kaibigan sa akin dahil hindi ko binura ang kanyang litrato na di kanais-nais. Ngunit nalaman ko na umarte lamang siya upang paiyakin ako. Ang dahilan kung bakit ako umiyak ay dahil ayaw na ayaw kong may nagagalit sa akin, lalo pa’y kaibigan mo ang nagagalit sa iyo. Ang pangalawa naman kung bakit ako umiyak ay dahil sa nagalit ang isa kong guro at sinabihan ako ng masasakit na salita kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko nga alam kung bakit siya galit sa akin. Ngunit humingi naman ako ng kapatawaraan kahit hindi ko alam kung anong kasalanang ginawa ko. Ang ayaw ko lang ay yung may nagagalit sa aking guro na itinuring mo naring isang tunay na ina at sasabihan ka ng masasakit.


Ang pagiging huli sa pagpasok sa klase ang isa sa nararanasan ko ngayong pagiging baitang siyam. Simula elementarya hanggang baitang walo ay hindi ako nahuhuli sa klase. Hindi sa pagiging tamad gumising ng maaga, nagpupuyat ako dahil sa dami ng mga gawain o mga takdang aralin sa bawat asignatura. Minsan nga paghindi ko natatapos ang mga takdang aralin ginagawa ko ito sa loob ng silid habang nagtatalakayan. Nira-rush ko nga ung iba basta may maipasa lang.


Ang pagra-rush o pagmamadali ng mga gawain ang isa rinsa nararanasan naming lahat magkakaklase.
Hindi dahil hindi namin ginagawa ang mga gawain ng maaga, ay dahil na rin sa dami ng mga gagawin na hindi mo alam kung ano ang uunahin.

Tiyak na mas lalala pa at mas hihirap pa sa mga susunod na markahan. Subalit hindi ako susuko hangga’t kaya kong gampanan lahat ng mga gawain. Sana’y sa pamamagitan ng paghihirap na ito makuha ko ang aking mga minimithing pangarap sa buhay.

Lunes, Agosto 10, 2015

Garbage Love: Paboritong Kwento

Pagbabasa ng mga libro o panunood ng mga pelikula, ang mga kinahihiligan ng marami pagwalang ginagawa. Isa na ako sa mahilig manuod ng maiikling pelikula sa youtube. Isa sa tumatak sa aking isipan ang kwentong Garbage Love na napanuod ko makalipas ang ilang buwan. Ito ay tungkol sa mag-ama na walang-wala. Ang Ama ay isang hamak na basurero lamang na ang kanyang anak ay naghahangad ng mga materyal na bagay na mayroon sa mga kaklase niya. Ang kwentong ito ay sobrang nakakaiyak. Nagsimula tumulo ang aking mga luha noong tinapon ng anak ang hinandang pagkain ng kanyang ama na dinala pa sa paaralan upang makakain siya ng tanghalian. At noong binilhan siyang 2nd hand na cellphone na pinagipunan ng kanyang ama na tinapak-tapakan at dinurog lang ng anak. Kung ikaw ay isang ama na katulad rin ang sitwasyon ng nasa kwento, ano kaya ang mararamdaman nyo? Syempre! Masasaktan dahil pinaghirapan mo tapos ganoon ang igaganti sa iyo. At sa huli ay na pagisip-isip niya na maging kuntento kung anong meron na ibinigay sa inyong panginoon at kung anong ginawa mo sa magulang mo, babalik rin ito sa iyo.

Linggo, Agosto 2, 2015

Mga Kaibigang Tunay



Mga Kaibigang Tunay



Sa araw-araw ng buhay ko

Mga problemang binubunno ko

Sila ang isa sa naging inspirasyon ko

Upang malampasan ang balakid sa landas ko



Malaki ang papel nila sa aking buhay

Dahil pag ako’y nalulumbay

Sila’y sa akin nagpapasaya

Upang ako’y lumigaya



Pag kami’y sama-sama magkakaibigan

Bukod sa sobrang ingay 

Sila yung nagpaparamdam

Na hindi Boring ang buhay



Pagiging maingay at palabiro

Ang natutunan ko sa aking mga katoto

Pagiging palakaibigan 

Ang nahubog sa aming pagsasamahan



Sila’y laging nasa tabi ko 

Na naging malapit sa puso ko

Ang mga kaibigang katulad niyo

Kaya maraming-maraming salamat sa inyo






Nasa iyo na ang lahat by Daniel Padilla: Paboritong Musika


   Mga Kanta o Musika ang halos kinahihiligan ng nakararami. Isa na ako doon namahilig sa musika. Isa sa mga kantang paborito kong kantahin ay ang“Nasa iyo na ang lahat. Hindi lang dahil magandang itong pakinggan o dahil si kantang kumanta nito. Dahil narin sa Tono ng kanta na bumabagay sa Timbre ng aking boses. At sa mensahe ng kanta na pwede mong kantahin sa taong mahal mo. “Nasa iyo na ang lahat pati ang puso ko” ang isa sa mga linya ng kanta na tumatak sa aking isipan dahil naiisip ko ang aking iniibig na kaya ko siya nagustuhan ay dahil nasa kanya na ang lahat at wala na akong hihilingin pang iba.

"Nasa Iyo Na Ang Lahat"

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Lahat na mismo nasa 'yo 
Ang ganda, ang bait, ang talino 
Inggit lahat sila sa'yo 
Kahit pa tapat man kanino 

Kaya nung lumapit ka sa'kin 
Ay, bigla akong nahilo 
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon 
Ang hinahanap mo... 

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Kinikilig pa rin ako 
Ang sarap magmahal 'pag panalo 
Nag-iisa sa puso ko 
Ito'y kaya 'di na ba magbabago 

Ako ang pinili sa dami 
Ng ibang nirereto 
Hindi akalaing 
Sabihin mong ako na lang 
Ang kulang sa iyo... Ohh

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

[Coda:]
Nasa 'yo na ang lahat...

Lunes, Hulyo 20, 2015

Juan Tamad

  Ang Alamat ang bagong patok sa mga manunood sa mundo ng telebisyon sa pilipinas ngayon, na Animated Series ng GMA Network. Ngayon Linggo, ibinida ang Kwento ni Juan Tamad. Gamitang boses, ginampanan ni Mike Tan ang papel ni Juan Tamad at si Louise Delos Reyes bilang Maria Masipag.

 Ang ibinida ng GMA na Alamat ay Iba o taliwas sa na kasanayang kwento ni Juan Tamad. Ipinakita sa Alamat na tungkol kay Juan na may nakilalang isang babae, at iyon si Maria Masipag. Nakilala niya ito nung pitasin ni Maria ang bayabas na hinihintay na mahulog sa bibig ni Juan at dito nagsimula ang pagtitinginan nilang dalawa. Nang inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng alimango, itinuro na lang nya ang direksyon ng kanilang bahay sa mga alimango upang tulungan niya si maria sa pagbubuhat ng mg agamit. Nang nagkasakit ang kaniyang ina, gumawa siya ng paraan upang makahanap ng perang pambiling gamot. At doon natutunan niyang magbenta ng palayok. Dahil kay Maria Masipag, Unti-unting nagbabago ang pag-uugali ni Juan. Naging masipag na si Juan. At sa huli’y nagkatuluyan at nagpakasal silang dalawa.

  Sa totoong bersyon ng Kwentong Juan Tamad, walang nabanggit na babaeng nakatagpo si Juan. At ang wakas lamangng kwento ay ang pananakot ng isang matandang babae na isusumbong siya sa kanyang ina.

  Mahahalintulad ko ito sa panahon noon dahil sa paghahanap nilang kabiyak kailangan masipag ang kanilang ka-irog. Hindi katulad sa panahon ngayon kung sino yung may hitsura o kung sino yung may kaya, sila yung kinagu-gustuhan ng lahat. Bakit kaya ganoon ang mga Pilipino? Marahil sapagbabago narinng mga panahon, kaya nagbabago rin ang mga gusto ng mga Pinoy.

Miyerkules, Hulyo 8, 2015

“Huling SONA ni PNoy”

 Inihayag ni PNoy ang mga nagawa niya sa kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon at ang kanyang gagawin sa huling taon ng panunungkulan.

 Ano-ano nga ba ang kanyang mga nagawa? Natupad ba ang kaniyang mga ipinangako sa atin sa mga nakarang SONA?

 Bilang isang mamamayang Pilipino, alam natin na may isinasagawa at isinasatupad si PNoy para sa ating bayan. Ngunit nakakatulong ba ito para sa ating pag-unlad?

 Narito ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pangkabuhayan Program na nagsasaad na ito’y pantustus ng mga pangangailangan na pamilyang walang-wala o lugmok sa kahirapan. Ito’y nakakatulong subalit maraming nagsasabi na ito ay hindi sapatpara sa mga pangangailangan ng isang pamilya. Kaya kailangan pa rin natin mag trabaho at hindi lang aasa sa mga programang katulad nito.

 Narito din ang pagsasabatas ng K-12 curriculum. Marami ang nagrereklamo tungkol dito dahilan raw ng bigla-bigla’t hindi pa handa ang mga magulang para sa curriculum na ito. At mas hahaba pa ang taon na gugugulin ng mag-aaral. Pero sa kabilang banda may magandang maidudulot naman ito para sa mga kabataan dahil mas huhusay at mas lalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa pagdaan ng panahon. Kaya lamang isinatupad ito dahil ang Pilipinas lamang ang hindi K-12 ang curriculum sa buong Asya.

 Marami pang mga naisatupad ang ating pangulo at sa huling taon ng kanyang termino, may mga isasabatas pa siya katulad na lamang ang Bangsamoro Basic Law at ang Anti-Political Dynasty Law.

 Ang sabi ni PNoy, “Umuunlad na ang Pilipinas”, ang sagot naman ng mga kabataan “Edi WOW!”. Alam nga natin na may ginagawa’t isinasatupad si PNoy para sa ating bayan, ngunit napapansin ba natin ang lahat ng iyon? Nararamdaman ba natin ang pag-usbong at pagyaabong n gating bansang Pilipinas?

Ayon sa nakararami, parang hindi pansin ang pag-unlad. Bakit? Kasi kahit anong gawin o kahit anong ang pagpupursigi’t pinaghirapan natin, basta’t may corrupt, hindi uunlad ang bayan. Sabi nga ni PNoy, “Kung walang corrupt, walng mahirap”. Tama!!, wala sanang mga pulubi, wala sanang nangingibang bansa (OFW), wala sanang mahirap, kung hindi dahil sa mga buwayang nakaupo sa pwesto, maunlad na sana ang Pilipinas. Napakalaki ng mga binabayad na mga Tax o buwis ng mga mamamayan ngunit saan ba ito napupunta, sa Pilipinas ba o sa Bulsa ng Buwaya.

 Hindi ko lubos maisip na tumatakbo lamang ang iba para lamang sa yaman ng bayan. Sana nga maisabatas na ang Anti-Political Dynasty Bill upang hindi lang isang angkan ang mga namununo sa atin. Baka’y hindi natin alam, tumatakbo ang buong pamilya para lamang sa yaman dulot ng pagkapanalo.

 Kaya sana’y sa darating na eleksyon 2016 ay piliin at iboto natin ang karapat-dapat na maging lider ng Pilipinas upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.

July 08, 2015: “Bakit ganun?, Sila na lang lagi? Pwede kami naman!?”

  Tag-ulan na nga talaga, sunod-sunod na bagyo ang dumarating sa ating bansa.

  Akala ko nung umaga wala ng pasok sa lakas ng ulan. Nang tumigil na, nakita ko ang mga mag-aaral na nagsisipasukan na. Kaya dali-dali ako naligo upang makapasok ng maaga sa klase. Alas-otso ng umaga o 8:00 am, ayan na naman si ulan. Lulubog lilitaw ka na lang lagi!. Iniisip ko isu-suspende na naman ang klase ng mga panghapon katulad nung isang araw. At biglang sinabi ni mam suspended na ang klase. “Nung saka pauwi na kami doon lang sinuspende ang klase, andaya naman, dapat kanina pa!”. Pero iniisip ko na lugi nga kami sa panghapon dahil sila ay walang pasok ng dalawang araw subalit mas marami naman kaming natutunan kesa sa kanila. At umuwi kami ng may ngiti sa labi.

  Oras ng asignaturang Filipino, Ipinakita ng bawat grupo ang kanilang ginawang alamat. Nung kami ang nagpakita ng galing sa pagkukuwento at pag-aarte tungkol sa alamat ng Turon, nakita ko ang reaksyon ng aming guro’t mga kaklase. Sila ay tuwang-tuwa at nagalingan sa aming presentasyon kahit na saglit lang namin iyon pinagusapan, nagmukha itong pinaghandaan. Kaya nananatili kaming na may pinaka-mataas na iskor sa lahat ng grupo.

  Pagkatapos namin pumasok, dumiretso kami kila ate ja upang gumawa ng Rap Song para sa asignaturang ingles. Buti na lang andyan si karlo na nag-composed ng lyrics. At ang mga gaganap bilang bida sa music video ay sila-sila rin. Iniisip ko na “sana kami naman, sila na lang lagi! At ano bang meron sila na wala sa amin?”

Martes, Hulyo 7, 2015

July 07,2015: “Buti na lang!”

“Hays! ang sakit talaga, di mo maiiwasan”. Di magandang araw para sa akin ang araw na ito. Dahil hindi ako nakapasok ng eskwelahan. Maghapon ako nakahiga sa kama. Buti na lang unti-unting nawawala ang aking sakit. Alas-tres ng hapon naligo na ako dahil naaamoy ko na ang aking sarili na amoy……… Naalala ko na canteener pala ako. At pumunta ako sa aking paaralan sa gitna ng ulan. Nakita ko ang aking mga kaibigan na itinuturi kong mga kapatid sa loob ng aking paaralan. Nag-alala sila kung ano ang nangyari sa akin. At sinabi ko na “wag na kayong mag-alala dahil maayos na ako ngayon”. Mga alas-sinko, nag-canteener na kami. Doon wala kaming ginawa kundi nagharutan at nagasaran lang. Kaya ang ingay namin sa loob ng canteen. Buti na lamang hindi nagalit si mam. Pagkatapos nag-remitan na ng pera . Buti na lng hindi kulang at sobra pa. Kaya kami ay nagsiuwian na, na may ngiti sa labi. 

Lunes, Hulyo 6, 2015

July 06, 2015: “Ano ba yan!?

   Akala ko walang pasok ngayon sa lakas ng ulan. Pero meron pala. At may ipapasang awtput sa asignaturang Mapeh na Stained glass at Architecture kung kaya’t pumasok ako kahit na maulan. Tuwing nakikita ko ang aming stained glass, naaalala ko ang mga nangyari. Pinaghirapan mo tapos mababasag lang pala. Buti na lang sinabi ng aming guro na bukas na lng ito ipapasa. Tuwang-tuwa kami dahil pwede pa namin ito maulit. 


   Pagkatapos ng klase, Ayan na naman si ulan. Kaya naghintay muna kami sa covered court hanggang sa tumigil ang ulan. Pagkatila ng ulan, ang mga “Pabebe Boys” ay bumili ng bagong stained glass sa Pagrai upang gumawa ng panibagong proyekto. Pumunta kami sa bahay ni Adrian at kinuha ang gagamiting mga pintura. Pagkalipas ng ilang minuto, dumiretso kami sa paaralan at nakita namin ang mga mag-aaral ng pang 2nd-shift ay nagsisiuwian na. At napag-alaman namin na sinuspende pala ang klase. Iniisip ko na kung kailan tumila na ang ulan dun sila nagsuspende. Pero ok lng dahil nakapasok kami at may natutunan pa. Kami na lamang ang natira sa loob ng eskwelahan. Kaya nagsimula na kaming nagpinta. Buti na lang andyan si Villa na tumulong sa amin magtapos. At nung tuyo na, inilagay namin ito sa plastic bag at inuwi ko ito sa bahay. At saka umuwi na kami.

  Pagkauwi ko, aayusin ko sana ang aming gawa ngunit pagkakuha ko ng baso sa plastic nagsitanggalan lahat ng pintura. Kung kaya’t inulit ko ito hanggang sa matapos.

Linggo, Hulyo 5, 2015

July 05, 2015: “Boom Punit!; Boom Basag!”

  Maulan na araw ng linggo sa inyo! Kahit na maulan tumupad parin ako sa usapan na magkita-kita sa may tapat ng angels burger, mga ala-una ng hapon upang gumawa ng Stained glass sa asignaturang Mapeh. Pagdating ko dun wala kahit sinong pumunta. Kaya ako’y pumunta na lamang sa bahay ng dalawa kong kagrupo sa Mapeh na sina Christian at Adrian. Una bumili muna kami ng mga kagamitang ka-kailanganin. At nagsimula kami sa pagpapahid ng puting pinturasa baso. Sobrang tagal nito natuyo. Habang hinihintay ko matuyo ang pintura, hindi ko namalayan na ang aking pera na nagkakahalaga ng bente ay nginangat-ngat ng aso ni Adrian. Nakita na lang namin na halos kalahati na lamang ang natira. Naispan namin na ibili ito ng tinapay, na kailangan hindi dapat mahahalata ng tindera na punit ang benteng ipambibili. Itinupi ito ng tatlong beses ni Christian at ibinili niya ito. Buti na nga lang hindi nahalata nga tindera na punit ang ibinigay naming pera. At pagbalik tuwang-tuwa kami dahil hindi nasayang ang bente ko.


  Pagkatuyo ng pintura pinahiran namin ito ng kung ano-anong kulay hanggang sa ito’y gumanda pagkatapos naming magpintura nilinis namin ang pinagdumihan namin. Inilagay namin ang baso sa lamesa. Hindi namin naisip na ito’y mababasag. Hindi namin ito pinaki-alaman subalit bigla itong natumba ng di inaasahan. Parang iiyak na nga sana ako dahi pinaghirapan mo ng buong maghapon tapos ayon ang mangyayari. Ngunit ang mama na ni Adrian ang mag-aayos gamit ang “mighty bond”. At umuwi na kami, na nag iisip kung ano ang mangyayari sa staind glass kinabukasan.

Sabado, Hulyo 4, 2015

July 04, 2015: “Sabado't linggo may pasok”

Parang araw-araw may pasok dahil sa mga pangkatang gawain. Ngayong sabado, may pangkatang Gawain sa bahay nila ate jana. Nung una hindi ko alam na meron pala kaya tinext ko sila. Halos lahat naman kami ay nandoon maliban lamang sa dalawa. Una, gumawa muna ng sariling alamat at ang naisip na alamat ay ang “Alamat ng Turon”. Sunod, para sa asignaturang agham gumawa ng “poster” ngunit halos ang gumawa ay si Hermie. Pagkatapos, gumawa ng “Rap Song” para sa asignaturang Ingles ngunit hindi namin ito natapos kung kaya’t ipagpapatuloy namin ito sa lunes. Pagpatak ng Alas-sais nagsiuwian na ung iba. Inilabas ni Jm ang kanyang make-up at sinimulan niya ito kay Maria. Nang ma-make-up-an si Maria parang nainggit si Rose dahil si maria ay gumada nang ma-make-up-an. Pagkatapos pinilit kami ni Maria na magpa make-up sa kanya, kaya napilitan na rin kami. Ang bahay ni ate ja ay parang naging isang parlor. Akala ko mas po-pogi kami pagna-make-up-an hindi pala, Gaganda pala kami. Ngayon ko lng na pagtanto na bagay pala sa akin maging isang babae.

Biyernes, Hulyo 3, 2015

July 03, 2015: “Sa puso’t isipan namin kayo ang “The Best” sa lahat”

Kahit walang review-review para sa nutri-quiz, sumabak pa din ako. At ang malupit pa dyan ay nakakuha pa ko ng mataas na Iskor dahil sa mga madadaling tanong. Kahit partisipasyon lang ang aking nakuha ay masayang-masaya na ako. Pagkalipas ng ilang oras, ayan na ang mga kasali para sa Nitri-jingle. Nung una, hindi ko lubos maisip kung mananalo kami. Ngunit nung nag-perform na, napagtanto ko na panalong-panalo pala ang Beaters. Ibang-iba sa praktis ang ginawa nila ngayon. Sobrang dami ang nagalingan sa kanila. Ngunit nung sinabi na ang mga panalo, may halong saya’t lungkot ang aming nadama. Dahil sa tingin namin hindi kami pang 2nd kundi pang 1st kami sa lahat. Pero ok lang dahil meron kami nakuhang pwesto at sobrang daming nanalo sa iba’ibang larangan sa buwan ng nutrisyon ang IX-Antipolo. 

Huwebes, Hulyo 2, 2015

July 02, 2015: “Ulitan sa Kulitan”

Araw ng ulitan, Inulit na naman namin ang ginawang sculpture kahapon. At sa bahay kami ni Karlito gumawa. Bago kami pumunta sa bahay nila, galing sa eskwelahan, dumiretso kami sa bahay nila ate jana at doon isinasagawa ang pagpa-praktis para sa nutri-jingle. Nanuod lang kami ng kunti tapos pumunta na sa Mambugan Paint Center para bumili ng mga pintura. Pagpunta sa bahay ni Karlito, kumain muna kami ng tanghalian. Nagluto si Renz ng Itlog ngunit ito’y sobrang alat. Kumain kami ng chocolate at pulburon para sa panghimagas. Pagkatapos, nagsimula na kami sa paggawa. Nadalian kami sa pagbabakat. Ngunit sa pagpipintura, doon kami nahirapan. Sorang tagal nito matuyo. Kaya nagkwentuhan at nagkulitan na lang kami hanggang sa ito’y matuyo. At natapos na may magandang proyekto.


Miyerkules, Hulyo 1, 2015

July 01, 2015: “Magtulungan Tayo”

Pagtutulungan ang uri sa araw na ito dahil kahit saan ka magpunta basta’t kasama mo ang iyong mga totoong kaibigan, tutulungan at tutulungan ka sa abot ng kanilang makakaya.

Ngayong araw na ito, pagpasok ko sa loob ng aming silid, nagulat ako dahil sila ay gumagawa ng Takdang Aralin sa asignaturang Filipino’t Ingles. Hindi ko alam na may takdang aralin pala. Buti na lamang at may mga karamay ako na walang ginawa. Kaming dalawa ni Adrian (Isang tunay na kaibigan) ay gumawa ng paraan upang makagawa lamang ng takdang aralin. Pasimple kaming nagsusulat habang may tinatalakay sa harapan ang aming mga guro. Namangha kami sa marka na aming nakuha kahit na saglit lang naming iyon nagawa.

Pagkatapos ng klase, kami ay mage-ensayo para sa Nutri-Jingle. Ngunit nalaman namin sampu lamang kada grupo angdapat sumali. At nagpulong kami para dun. Kailangan naming magtanggal ng dalawa. Iniisip ko na sana’y hindi ako ang matanggal .Nagkaroon ako ng pag-asa dahil nasabi na ang isa sa dalawang tatanggalin. At bigla akong tinanong na “Okay, lng ba sa iyo na matanggal ka?”. Kahit na labag man sa aking kalooban, sinabi ko na lang na “Okay lang!”. Kahit na sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako. Parang gusto ko ngang sabihin sabihin na “Marami namang pwedeng tanggalin, bakit ako pa?”.

Ngunit naging masaya naman ako para sa kanila kahit na tinanggal nila ako. Pwede naman ako makatulong sa pamamagitan ng paggawa ng props o magdagdag ng mga sehistyon.

Pagpatak ng alas-tres, ang aking mga ka-grupo sa asignaturang Mapeh ay nagsagawa ng paggawa ng Scupture o Pag-ukit . Ang aking mga kagrupo ay itinuturi kong mga tunay na kaibigan at pwede ninyo kaming tawagin bilang ang mga “Pabebe Boys”. Pumunta kami sa bahay ng isa naming ka-grupo upang doon gumawa ng Pag-ukit. Gamit ang isang Perla, gagawin naming isang kotse ito. Nahirapan kami nung una sa pag-bakat ng aming gagawin. Pero nung kalaunan natapos ito. Ngunit nakulangan kami, kaya kinapalan at nilubog ko pa ang pag-ukit. Subalit itoy napalya, naputol ang isang bahagi nito. At sinabing “May paraan pa para maayos yan!”. Tumahimik ako ng ilang minuto at nag pokus sa pag-ukit. At umayos nga. Ngunit nakulangan pa, kaya kinapalan uli. Subalit naputol na naman. At sinabing “May paraan pa para mapaganda yan!”. Hanggang sa pumangit, kaya uulitin na lng naming ito kinabukasan.



Martes, Hunyo 30, 2015

June 30: “Sabay-sabay kumanta, ang mga boses baka”

Ngayon ay gumawa kami ng mga kanta para sa Nutri-Jingle. Naghanap kami ng lugar na paggagawaan ng kanta. Una pumunta kami sa Brendwood ngunit hindi kami pinapasok ng guwardya dahil sa dami namin. Kaya pumunta na lang kami sa bahay ni Vane at doon kami gumawa. Mapayapa atmapresko ang paligid.Doon nagbahagi kami ng aming mga sehisyon upang mapaganda ang presentasyon. At doonsa loob ng bahay nagkulitan, naglaro at nagharutan kami habang ginagawa ung kanta. Noong natapos na yung kanta, inawit namin ito ng sabay-sabay. Buti na lang hindi umulan dahil sa aming mga boses baka.

Lunes, Hunyo 29, 2015

June 29: “Mag-aaral na lumalabag, Umunti!”

Natutuwa ako dahil nung dati maraming nalilista na lumalabag ng patakaran ng eskwelahan ngunit ngayon ng dahil sa pagbabantay at pagpapa-alala ng SSG officers umunti ang mga lumalabag. Iilan na lang ang mga hindi sumusunod. Sa mga lalaki, maraming nang nagbago. Ung iba nagtanggal na ng kulay ng kanilang buhok at ang kanilang pantalon ay pinalitan na nila ng hindi baston. At lalo-lalo na ung babae, halos wala na nagme-make-up at nagsusuot ng maikling palda. Sana magtuloy-tuloy ang magandang pagbabago ng mga mag-aaral hanggang sa susunod na mga taon.

Linggo, Hunyo 28, 2015

June 28:“Kahit na nakakahiya, sige lang!, grade ang kapalit nito”

Ang araw na ito ipinakita ng bawat grupo sa asinaturang A.P. ang kanilang presentasyon. Kahit na nakakahiya, sige lang!, grade ang kapalit nito. Mas nakakahiya ang iyong gagawin at mas nakakatawa, mataas na marka ang ibibigay sa inyo. Parang nagbuwis buhay kami, naghubad at nglagay ng glue sa kili-kili at malapit sa labi upang doond idikit ang bulak at magmukhang bigote. Kahit ang baho, sige lang para may bigote. Pagkatapos ng presentasyon, dali-dali kaming pumuntasa CR upang doon maghugas ng mukha’t kili-kili. Nung oras na ng T.L.E., ayan na! ipapasa na ang unang awtput. May pinabago, ngunit kunti lang. At ayan na naman! may bago na namang awtput. Buti na lamang ganoon pa din ang aming gagagwin. At mas madali kesa nung dati.

Sabado, Hunyo 27, 2015

June 27: “Usapan para sa dula-dulaan”



Pumunta kami kila ate jana upang pagusapan ang gagawing dula-dulaan sa A.P. para sa lunes. Ano kayang ang itsura namin sa lunes? Sa panahon kasi ng Mesolitiko, hindi pa ganoon kaunlad ang kanilang pagiisip kaya sa dula-dulaan isasadula namin ang mga ginagawa ng mga sinaunang tao nung panahong Mesolitiko. Kaya langmaghuhubad kami, kita ung mga buto namin. Bahala na bukas.

Biyernes, Hunyo 26, 2015

June 26: “Usapan sa magiging Proyekto”

Nagsagawa ulit ng pagpupulong ang SSG upang pag-isipan ang mga gagawin naminsa darating na mga araw. Pinag-usapan ang mga gagawing proyekto ngayong panuruang 2015-2016. Pagkatapos ay nagkaroon ng Flag Retriet. Pagkatapos ay bumiIi ng pagkain at nagmeryenda. Itinuloy namin ang pagpupulong hanggang sa ito’y matapos. At umuwi kami ng sabay-sabay.

Huwebes, Hunyo 25, 2015

June 25: “Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya”

Nagsagawa ng pagpupulong ang SSG upang sabihin ng aming gurong tagapayo ang mga kailangan naming i-improved at sanayin. Natamaan ako nung sinabi ni sir na hindi nagbabantay ng gate. At nahalata ko na ako ang pinaparinggan ni sir. Kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magawa ko ang responsibilidad ko bilang isang Lider.

Miyerkules, Hunyo 24, 2015

June 24: “Sasali o Aalis?”

Iniisip ko kung sasali pa ba ako o aalis na sa Uma. Hindi ko alam ng dahil sa madami akong iniisip. Gusto ko mag uma dahil mahilig ako magsulat. Ngunit marami na ako nasalihang organisasyon. Kaya kailangan kong magtanggal at ang naisip ko kung Uma na lang. Pero pinag-iisipan ko para makasiguro ako.

Martes, Hunyo 23, 2015

June 23: “Mahal ko na yata ang kaklase ko; NGITI pa lang nya, BUO na ang araw ko”

Di ko man siya pinapansin, minamasdan ko naman siya kapag hindi sya nakatingin. At pagnakita ko siyang nakangiti parang buo na ang araw ko. Kahit hindi na ako mag-recess basta’t ngumiti lang siya sa akin busog na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Tititigan ko lang siya parang sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok. Mahal ko na yata ang kaklase ko. Pero pag-aaral muna bago pag-ibig. Isantabi muna ang nararamdaman ko para sa kanya.

Lunes, Hunyo 22, 2015

June 22: “Ang napapala sa pagmamadali’

Sayang na sayang lang ang ginawa ko kahapon. Pinagpaguran ko iyon tapos uulitin ko ulit. Dapat di ko muna tinapos, dapat di ako nagmadali para maging tama ang lahat. Parang sa Pagmamahal, “Huwag mong madaliin ang bawat sandali, pagisipan mo muna bago mo gawin”. Kaya pagiisipan ko muna bago ko gawin ang mga nais ko sa buhay.

Linggo, Hunyo 21, 2015

June 21: “Circular Plate ang Hanap ko”

Gawaan na naman ng Takdang aralin lalong-lalo na sa T.L.E. Tinapos ko na lahat para wala na ako gagawin kinabukasan. Ang hirap gumawa ng walang cicular plate kaya ang ginawa ko, naghanap ako ng iba’t ibang klase o laki ng ng barya. Ginamit ko ito para pang-curve. Ang hiling ko lang ay sana tama ang aking mga ginawa.

Sabado, Hunyo 20, 2015

June 20: “Basang-basa sa galaan”

Araw ngayon ng unang pagpupulong ng HRPTA sa loob ng aming paaralan. Nagkaroon ng eleksyon ang mga magulang kada silid para sa bagong magiging officer ng HRPTA. Pagkauwi ni mama galing eskwelahan, ako naman ang pupunta eskwelahan dahil sabi ni Shen na magkita-kita kami sa paaralan. Pumuta ako ngunit wala naman sila kaya pumunta na lang ako kila Lex upang may makausap. Naisipan ng grade 10 na pupunta sila sa pandayan upang bumili ng mga pandisenyo sa kwaderno at sumama na rin ako. Bago pumunta sa pandayan, dumiretso muna kami sa puntod ni Kuya Waren. At pagkatapos ay bumili na ng gamit. Pagkalabas namin galling pandayan bumuhos ang ulan. Basang-basa kami nang pumunta kila Lex at doon kami nagpatuyo. Gumawa din kami ng mga Takdang Aralin pati na din portfolio ni Lex.

Biyernes, Hunyo 19, 2015

June 19: “Inggit ako sa kanila”

Naiingit ako sa kanila na nage-ensayo sa Indak at ang kanilang pina-praktis ay ang isa sa paborito kong sayawin, ang Pandanggo sa Ilaw. Bawal pa kasi eh! Dahil nga sa nangyari sa akin. Pero okay lang! basta ligtas ako. Pinanuod ko na lang sila. At pwede ko naman ito ipraktis sa bahay.

Huwebes, Hunyo 18, 2015

June 18: “Salamin, salamin, Ipapakita ang putok kong Labi”

Kapag tumitingin ako sa salamin, ang una kong nakikita ay ang aking putok na labi. Butina lang lumiit na siya. Kapag ipapasok ko sa bunganga ang pagkain, nasasaktan ako. At lalong-lalo na kapag nagsisipilyo at naliligo dahil pati ngipin ko naapektuhan.

Miyerkules, Hunyo 17, 2015

June 17: “Salamat sa Pag-aalala”

Pagkapasok ko pa lang sa gate bumungad agad ang pagkumusta sa akin. Pagpasok ko sa loob ng silid kinumusta agadako ng aking mga kaklase. At ang sabi ko “wag na kayong magalala dahil maayos na ako ngayon”. Pumunta pa nga si Sir. Nash sa klase upang kumustahin ako. Pagkauwian, bumulaga ang mga grade 10 upang kumustahin ang lagay ko. Parang sobrang Swerte ko talaga na may mga kaibigang ako na sobrang nagaalala para sa akin.

Martes, Hunyo 16, 2015

June 16:“Aksidente tuwing Hunyo”

Bakit tuwing Hunyo nalalapit ako sa aksidente!? Ngayong araw na ito ang unang beses na ako’y nahimatay at pumutok ang labi. Nung nageensayo kami sa Indak wala akong naramdamang gutom at antok kung kaya’t hindi ako kumain ng tanghalian. Ngunit mga alas-dos nung nagbreaktime, nagharutan kami ni Adrian. Nung tinaas ko ang aking paa, hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil sa ako’y nahimatay at natumba kaya bumuhos ang mga dugo sa aking labi. Buti na lamang andyan ang aking mga kaibigan at lalong lalo na si ate susan na syang unang nakakita ng pangyayari. Tinulungan ako at dinala sa clinic. Doon inalagaan ako ng mga guro. Pinakaba ko sila dahil ang alam nila ang ulo ko ang dumugo. Nadama ko talaga na nag-aalala sila para sa akin.

Lunes, Hunyo 15, 2015

June 15: “Surpresa para kay Tatay Timmy”

Unang awtput pa lng na Lettering sa T.L.E. ang hirap na! paano pa kaya sa susunod. Buti na lang pinauwi ito at sa susunod na lunes ipapasa. Kahapon ang kaarawan ni Sir. Timmy ang kaso linggo iyon. Kaya naisipan namin na ngayon surpresahin si sir.. Nagambag-ambagan kami ng bente para sa cake. Bumili si ate ja pagkatapos ng aming klase. Pagdumadaan si sir hindi namin siya pipansin. Humanap kami ng tamang Timming para sa pagsurpresa. Nung nakahanap na ng Timming ay sinurpresa na namin siya. At Sabay-sabay kaming nagbati sa kanya. “Happy Birthday Tatay!” ang aming bati. Pinakita namin ang ginawang video clip para sa kanya. At nakikita sa kanyang mga mata na paluha na ngunit pinipigilan niya lamang.

Linggo, Hunyo 14, 2015

June 14: “Ubus ang limangdaan”

Ngayon ay uuwi na kami sa aming bahay pagkatapos ng tatlong araw ng pagbabakasyon sa cubao. Hinatid kami ni tita gamit ang kanilang kotse. Pagkauwi ay nagkwento ako kila mama kung anu-ano ang aming mga ginawa. Pagkalipas ng ilang minuto, paalis na sila tita, at biglang may inabot sa aming pera. At nakita ko 500 piso ang binigay sa akin. Maya-maya naalala ko na may bibilhin pala akong gamit sa T.L.E. buti na lang may binigay sa akin si tita na siyang gagamitin kong pambili ng mga gamit. Pamunta kami nila mama sa National Bookstore sa SM Masinag. At nagulat kami ng nakita namin ang preso na napakamahal. Naubos ang limangdaan dahil sa mga iyon.

Sabado, Hunyo 13, 2015

June 13: Maghapong nakatunga-nga!

Maghapon lang sa loob ng bahay ni Tita at nanuod lang ng mga pelikula. Kaming magkakapatid ay nagkulitan at nagselfie-selfie lang para pampabawas boring. Buti na lang andyan yung mga aso na pwede naming laru-laruin.

Biyernes, Hunyo 12, 2015

June 12: “Maligayang Araw ng Kagitingan”

Happy Independence Day! sa filipino, Maligayang Araw ng Kagitingan! Nang hindi dahil kay Andres Bonfacio at ni Emilio Aguinaldo wala tayo ngayong kalayaan.

Ito ang araw na maghapon lang sa loob ng Mall. Kaming magkakapatid at sila tita ay pumunta ng SM Sta. Mesa para manuod ng palabas na Jurasic World. Bago kami nanuod nagtanghalian muna kami sa Jollibee. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Sinehan. 1st time ko lng nakapasok sa loob nito. Sobrang lamig sa loob nito. Pagkatapos ng palabas, pumunta kami sa McDo para mag meryenda at pumunta kami sa Department Store upang doon bumili ng mga pagkain at mga pabango. Ayan na pakauwi. kainan na naman at ang ulam manok ulit. Pero okay lang dahil ito ang aking paborito.

Huwebes, Hunyo 11, 2015

June 11: “Araw ng Probinsya ng Rizal”

Kaya pala walang pasok, Maligayang Araw ng Probinsya ng Rizal!. Ang saya dahil hayahay lang sa bahay, ngunit malungkot dahil di pa ako nakakabili ng gamit sa T.L.E. buti na lang pupunta kami mga alas-sais sa aming tita. Doon magpapabili ako ng mga gamit sa T.L.E dahil wala pa kaming pambili.

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

June 10: “MbNHS, nagsagawa ng selebrasyon para sa “Araw ng Kagitingan”

Ipinakita ng Mambuganian ang pagiging isang makabayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng selebrasyon ng Araw ng kagitingan. Dito ipinakita kung paano maging isang makabayan at kung bakit ito kailangan gawin. Sa pamumuno ng SSG at Samaka naging matagumpay ang isinagawang selebrasyon.

Martes, Hunyo 9, 2015

June 9: “Maging Makabayan Tayo!”

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga SSG at Samaka para sa gaganaping selebrasyon ng Araw ng Kagitingan. Ipapakita dito kung paano maging isang makabayan at kung bakit ito kailangan gawin. At isasagawa ito kinabukasan.

Lunes, Hunyo 8, 2015

June 8: “Pero okay lang!”

Unang araw ng T.L.E., masaya ako dahil si sir Espina ulit ang aming guro sa asignaturang T.L.E. ngunit na lungkot ako dahil nalaman ko na buong taon kami magda-drafting. Pero okay lang dahil mahilig ako sa pagsusukat at pagpipinta. Ayan na naman si Bilihin andaming pinapabili!. Sobrang dami at sa tingin ko ang mamahal. Pero okay lang dahil magagamit naman namin ito sa pag-aaral.

Linggo, Hunyo 7, 2015

June 7:“Madugo ang Ingles”

Araw ngayon ng pagbabalot ng mga Kwaderno at mga Libro. Binalot ko halos lahat ng libro kaya lang nang tinamad na ko si mama na ang nagtuloy. Pagkatapos ginawa ko ang takdang aralin sa asignaturang Ingles. Ang hirap gumawa ng isang sanaysay gamit angsalitang Ingles (Nose Bleed!). Buti na lang natapos ako gumawa ng maaga.