Lunes, Hulyo 6, 2015

July 06, 2015: “Ano ba yan!?

   Akala ko walang pasok ngayon sa lakas ng ulan. Pero meron pala. At may ipapasang awtput sa asignaturang Mapeh na Stained glass at Architecture kung kaya’t pumasok ako kahit na maulan. Tuwing nakikita ko ang aming stained glass, naaalala ko ang mga nangyari. Pinaghirapan mo tapos mababasag lang pala. Buti na lang sinabi ng aming guro na bukas na lng ito ipapasa. Tuwang-tuwa kami dahil pwede pa namin ito maulit. 


   Pagkatapos ng klase, Ayan na naman si ulan. Kaya naghintay muna kami sa covered court hanggang sa tumigil ang ulan. Pagkatila ng ulan, ang mga “Pabebe Boys” ay bumili ng bagong stained glass sa Pagrai upang gumawa ng panibagong proyekto. Pumunta kami sa bahay ni Adrian at kinuha ang gagamiting mga pintura. Pagkalipas ng ilang minuto, dumiretso kami sa paaralan at nakita namin ang mga mag-aaral ng pang 2nd-shift ay nagsisiuwian na. At napag-alaman namin na sinuspende pala ang klase. Iniisip ko na kung kailan tumila na ang ulan dun sila nagsuspende. Pero ok lng dahil nakapasok kami at may natutunan pa. Kami na lamang ang natira sa loob ng eskwelahan. Kaya nagsimula na kaming nagpinta. Buti na lang andyan si Villa na tumulong sa amin magtapos. At nung tuyo na, inilagay namin ito sa plastic bag at inuwi ko ito sa bahay. At saka umuwi na kami.

  Pagkauwi ko, aayusin ko sana ang aming gawa ngunit pagkakuha ko ng baso sa plastic nagsitanggalan lahat ng pintura. Kung kaya’t inulit ko ito hanggang sa matapos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento