Lunes, Agosto 10, 2015

Garbage Love: Paboritong Kwento

Pagbabasa ng mga libro o panunood ng mga pelikula, ang mga kinahihiligan ng marami pagwalang ginagawa. Isa na ako sa mahilig manuod ng maiikling pelikula sa youtube. Isa sa tumatak sa aking isipan ang kwentong Garbage Love na napanuod ko makalipas ang ilang buwan. Ito ay tungkol sa mag-ama na walang-wala. Ang Ama ay isang hamak na basurero lamang na ang kanyang anak ay naghahangad ng mga materyal na bagay na mayroon sa mga kaklase niya. Ang kwentong ito ay sobrang nakakaiyak. Nagsimula tumulo ang aking mga luha noong tinapon ng anak ang hinandang pagkain ng kanyang ama na dinala pa sa paaralan upang makakain siya ng tanghalian. At noong binilhan siyang 2nd hand na cellphone na pinagipunan ng kanyang ama na tinapak-tapakan at dinurog lang ng anak. Kung ikaw ay isang ama na katulad rin ang sitwasyon ng nasa kwento, ano kaya ang mararamdaman nyo? Syempre! Masasaktan dahil pinaghirapan mo tapos ganoon ang igaganti sa iyo. At sa huli ay na pagisip-isip niya na maging kuntento kung anong meron na ibinigay sa inyong panginoon at kung anong ginawa mo sa magulang mo, babalik rin ito sa iyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento