Miyerkules, Hulyo 8, 2015

July 08, 2015: “Bakit ganun?, Sila na lang lagi? Pwede kami naman!?”

  Tag-ulan na nga talaga, sunod-sunod na bagyo ang dumarating sa ating bansa.

  Akala ko nung umaga wala ng pasok sa lakas ng ulan. Nang tumigil na, nakita ko ang mga mag-aaral na nagsisipasukan na. Kaya dali-dali ako naligo upang makapasok ng maaga sa klase. Alas-otso ng umaga o 8:00 am, ayan na naman si ulan. Lulubog lilitaw ka na lang lagi!. Iniisip ko isu-suspende na naman ang klase ng mga panghapon katulad nung isang araw. At biglang sinabi ni mam suspended na ang klase. “Nung saka pauwi na kami doon lang sinuspende ang klase, andaya naman, dapat kanina pa!”. Pero iniisip ko na lugi nga kami sa panghapon dahil sila ay walang pasok ng dalawang araw subalit mas marami naman kaming natutunan kesa sa kanila. At umuwi kami ng may ngiti sa labi.

  Oras ng asignaturang Filipino, Ipinakita ng bawat grupo ang kanilang ginawang alamat. Nung kami ang nagpakita ng galing sa pagkukuwento at pag-aarte tungkol sa alamat ng Turon, nakita ko ang reaksyon ng aming guro’t mga kaklase. Sila ay tuwang-tuwa at nagalingan sa aming presentasyon kahit na saglit lang namin iyon pinagusapan, nagmukha itong pinaghandaan. Kaya nananatili kaming na may pinaka-mataas na iskor sa lahat ng grupo.

  Pagkatapos namin pumasok, dumiretso kami kila ate ja upang gumawa ng Rap Song para sa asignaturang ingles. Buti na lang andyan si karlo na nag-composed ng lyrics. At ang mga gaganap bilang bida sa music video ay sila-sila rin. Iniisip ko na “sana kami naman, sila na lang lagi! At ano bang meron sila na wala sa amin?”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento