Linggo, Oktubre 11, 2015

Bayani ng Buhay ko

Guro ang siyang humubog sa kaisipan nating mga kabataan . Sila ang ikalawang magulang natin sa paaralan. Sila ang matiyagang nagturo sa atin para tayo’y matuto sa pagbasa, pagsulat, at pagbibilang. Utang natin sa kanila ang kanilang pagsasakripiso sa patuturo bagkus kung hindi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa ating timatamasa. Utang sa mga guro ang pagkakaroon ng mga lider ng bansa, pagkakaroon ng magagaling na engineer at architech, mga businessman at marami pang iba na naging maunlad dahil sa kanila.

Maraming guro na hindi lubusang nabibigyan ng atensiyon at napapangaralan. Maituturing na “bayani” ang mga guro na nagtuturo sa mga liblib na lugar sa probinsiya. May mga guro na nagtitiis maglakbay ng ilang kilometro para marating lamang ang eskwelahan na pinagtuturuan at magampanan ang tungkulin sa mga estudyante. May mga gurong naglalakad sa putik na daan para lamang mapuntahan at maturuan ang mga bata sa liblib na lugar. Tinitiis nilang mawalay sa kanilang mga anak ng ilang oras para lang maturuan ang libo-libong estudyante.


Nakakahanga ang mga guro na dahil sa kanilang marubdob nilang hangarin na maturuan ang mga kabataan ay hindi natatakot na madukot o lapastanginin ng mga taong may maitim na budhi. Lubhang kahanga-hanga ang mga guro na sa kabila nang maliit na sweldo ay walang sawa sa pagtuturo at tinutupad ang responsibilidad sa mga mag-aaral. Marami ang mga guro ang hindi nagrereklamo sa kabila na ang kanilang buhay ay salat na salat sa maraming bagay dahil ang mahalaga sa kanila ay ang magserbisyo at magbigay ng kaalaman sa mga kabataan bagkus ang kaalaman ay hindi nakukuha o nananakaw ng iba at ito’y madadala at pwedeng gamitin sa magandang bukas.

“Aking Guro, Aking Bayani” tunay talagang bayani ang mga guro dahil sila ang daan upang matupad ang ating mga pangarap o minimithi at magdadala sa atin sa maganda ng bukas.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento