Linggo, Setyembre 27, 2015

“Sapat, Dapat!”

Ang karapatan ay isang bagay na dapat matamasa ng isang mamamayan. Ito ay ang dapat makamit ng bawat indibidwal. Ngunit, bakit ang iba, ang karapatan nila ay hindi sapat? Katulad ng mga kababaihan, Alam natin na dati ay wala talaga silang karapatan. Sila’y nasa kanilang tahanan lamang upang pagsilbihin ang kanilang mga asawa. Subalit ngayon, sa pagbabago ng panahon at sa mga grupo na nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan, nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan. Pero masasabi mo bang sapat ang naibigay na karapatan para sa mga kababaihan?
Sa palagay ko, ang karapatan ng mga kababaihan ay hindi sapat. Hindi katulad ng mga kalalakihan ay sagana sa mga karapatan. Dito sa Pilipinas, talamak ang krimen at pang-aabuso ng mga kababaihan. Sa katunayan, walang araw na walang napabalitang krimen patungkol sa pang-aabuso sa mga babae. Paano mo masasabi na ang karapatan ng mga babae ay sapat kung lagi kang may naririnig o napapabalitang, Rape dyan, rape dito. Bugbog dyan, Bugbog dito.

Sana sa pagdating ng tamang panahon matuldukan na ang mga problema nating 0mga Pilipino patungkol sa Karapatan ng mga kababaihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento