Inihayag ni PNoy ang mga nagawa niya sa kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon at ang kanyang gagawin sa huling taon ng panunungkulan.
Ano-ano nga ba ang kanyang mga nagawa? Natupad ba ang kaniyang mga ipinangako sa atin sa mga nakarang SONA?
Bilang isang mamamayang Pilipino, alam natin na may isinasagawa at isinasatupad si PNoy para sa ating bayan. Ngunit nakakatulong ba ito para sa ating pag-unlad?
Narito ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pangkabuhayan Program na nagsasaad na ito’y pantustus ng mga pangangailangan na pamilyang walang-wala o lugmok sa kahirapan. Ito’y nakakatulong subalit maraming nagsasabi na ito ay hindi sapatpara sa mga pangangailangan ng isang pamilya. Kaya kailangan pa rin natin mag trabaho at hindi lang aasa sa mga programang katulad nito.
Narito din ang pagsasabatas ng K-12 curriculum. Marami ang nagrereklamo tungkol dito dahilan raw ng bigla-bigla’t hindi pa handa ang mga magulang para sa curriculum na ito. At mas hahaba pa ang taon na gugugulin ng mag-aaral. Pero sa kabilang banda may magandang maidudulot naman ito para sa mga kabataan dahil mas huhusay at mas lalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa pagdaan ng panahon. Kaya lamang isinatupad ito dahil ang Pilipinas lamang ang hindi K-12 ang curriculum sa buong Asya.
Marami pang mga naisatupad ang ating pangulo at sa huling taon ng kanyang termino, may mga isasabatas pa siya katulad na lamang ang Bangsamoro Basic Law at ang Anti-Political Dynasty Law.
Ang sabi ni PNoy, “Umuunlad na ang Pilipinas”, ang sagot naman ng mga kabataan “Edi WOW!”. Alam nga natin na may ginagawa’t isinasatupad si PNoy para sa ating bayan, ngunit napapansin ba natin ang lahat ng iyon? Nararamdaman ba natin ang pag-usbong at pagyaabong n gating bansang Pilipinas?
Ayon sa nakararami, parang hindi pansin ang pag-unlad. Bakit? Kasi kahit anong gawin o kahit anong ang pagpupursigi’t pinaghirapan natin, basta’t may corrupt, hindi uunlad ang bayan. Sabi nga ni PNoy, “Kung walang corrupt, walng mahirap”. Tama!!, wala sanang mga pulubi, wala sanang nangingibang bansa (OFW), wala sanang mahirap, kung hindi dahil sa mga buwayang nakaupo sa pwesto, maunlad na sana ang Pilipinas. Napakalaki ng mga binabayad na mga Tax o buwis ng mga mamamayan ngunit saan ba ito napupunta, sa Pilipinas ba o sa Bulsa ng Buwaya.
Hindi ko lubos maisip na tumatakbo lamang ang iba para lamang sa yaman ng bayan. Sana nga maisabatas na ang Anti-Political Dynasty Bill upang hindi lang isang angkan ang mga namununo sa atin. Baka’y hindi natin alam, tumatakbo ang buong pamilya para lamang sa yaman dulot ng pagkapanalo.
Kaya sana’y sa darating na eleksyon 2016 ay piliin at iboto natin ang karapat-dapat na maging lider ng Pilipinas upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento