Saya, Lungkot, at Inis, halo-halong emosyon ang aking nadarama ngayong pagsapit ng Ber Months. Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre apat na buwan na siyang inaabangan ng lahat. Setyembre na, pero para bang di ramdam ang kasiyahan dahil sa mga problemang nangyayari sa ating buhay.
Nararamdaman ko na aasa na naman ako sa mga darating na araw. Aasa na naman ako na bibigyan ako ng regalo ng aking magulang sa pagsapit ng aking kaarawan, at aasa rin na mabibigyan ako ng maraming regalo sa pasko. Hay! Palagi na lang paasa. Katulad na lang sa pag-ibig, binigay mo na ang lahat pero pina-asa ka lang pala niya. Kaya wag tayong maniniwala sa mga taong nangangako, dahil minsan ang kanilang pangako ay napapako.
Hindi ako nasasabik sa darating ng pasko. Hindi ako nasasabik sa mga regalo't aginaldo na darating o sa mga mensaheng naglalaman ng pagbati ng mga kaibigan ko at hindi rin ako nagagalak sa nalalapit na kaarawan ko dahil hindi maalis sa isip ko ang ang nangyari dati. Hindi namin naramdaman ang simoy ng pasko dahilan ng wala kaming pera kaya simula setyembre hanggang disyembre kami ay nasa bahay lamang. at doon namin ipinagdiriwang ang pasko.
Pero kahit ganoon basta't sama-sama ang pamilya sa pagsapit ng pasko masaya na ako doon. Dahil ang mas mahalaga buo ang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento