“Hays! ang sakit talaga, di mo maiiwasan”.
Di magandang araw para sa akin ang araw na ito. Dahil hindi ako nakapasok ng
eskwelahan. Maghapon ako nakahiga sa kama. Buti na lang unti-unting nawawala
ang aking sakit. Alas-tres ng hapon naligo na ako dahil naaamoy ko na ang aking
sarili na amoy……… Naalala ko na canteener pala ako. At pumunta ako sa aking
paaralan sa gitna ng ulan. Nakita ko ang aking mga kaibigan na itinuturi kong
mga kapatid sa loob ng aking paaralan. Nag-alala sila kung ano ang nangyari sa
akin. At sinabi ko na “wag na kayong mag-alala dahil maayos na ako ngayon”. Mga
alas-sinko, nag-canteener na kami. Doon wala kaming ginawa kundi nagharutan at
nagasaran lang. Kaya ang ingay namin sa loob ng canteen. Buti na lamang hindi
nagalit si mam. Pagkatapos nag-remitan na ng pera . Buti na lng hindi kulang at
sobra pa. Kaya kami ay nagsiuwian na, na may ngiti sa labi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento