Huwebes, Agosto 27, 2015

Paano at Bakit kailangan maging maingat sa pagpapahayag ng ating damdamin?

Sa totoo lang, marami tayong mga gustong sabihin o ipahayag sa taong gusto nating ibuhos ang ating nadarama. Bagamat marami tayong gustong ipahayag, ang hirap naman nitong sabihin sa taong ating sasabihan. Pagsabi lang ng I love You! sa taong mahal natin, ang hirap! Pati nga sa magulang hindi natin masabi-sabi. May mga bagay talaga na hindi natin kayang sabihin harap-harapan sa ibang tao. Marahil na takot tayong malaman kung ano ang kanilang reaksyon o tugon sa ating sasabihin. Kaya minsan sinasabi natin ito sa pamamamagitan ng iba’t ibang istratehiya o paraan.

Sa pagpapahayag ng ating nadarama maliban sa pagsabi ng pasalita, sinasabi natin ito sa pamamagitan ng pasulat. Ito ang isa sa halimbawa kung paano natin ipahayag ang ating nadarama:


Social Media- facebook, twitter, instagram at iba pang website ang ating pinupuntahan upang masabi lang ating nadarama. Dito natin minsan ipinapahayag ang ating damdamin lalo na kung punong-puno na tayo. Ngunit pagdating sa social media kinakailangang maging disente’t maayos ang pagpapahayag natin ng ating nadarama at walang halong mura’t mga masasamang salita dahil libo-libong tao ang nakasubaybay o nakakakita ng ipinu-post natin.

Sabi nga sa GMA News, “Think before you Click” na nangangahulugang pagisipan muna natin ang ating mga sasabihin bago natin ipagkalat sa nakararami. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pagpapahayag ng ating damdamin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento