Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig ang salitang NCAE. Ano nga ba ang NCAE? Ang NCAE o National Career Assessment Examination ay isang test upang malaman ang maaari mong kuning kurso pag tayo’y magkukolehiyo na. Ang bilis talaga ng oras. Ngayon pa lang inaalam na natin ang ating kukuning kurso.
Noong pagpasok ko sa silid, kung saan ako magte-test. Inisip ko kung ano ang mga tanong na lalabas sa Exam. Pero hindi ako nag-aalala dahil alam ko wala naman ditong bumabagsak. Pero nung nalaman ko na dito pala kinukuha ang resulta na kukunin mong kurso, kinabahan ako! Paano na lang kung Pari, Magsasaka o kahit anong trabaho na hindi ko naman gusto ang maging result ang NCAE ko? Naalog ata ang utak ko sa dami ng mga tanong lalo na sa Accountancy at Business Management, na kada tanong may babasahing mahabang sitwasyon.
Idadagdag ko na rin ang aming tagapagbantay na napaka bait dahil binigyan niya ako kahit kaunting oras upang matapos ang pagsasagot ko na NCAE dahil na rin sa pagiging pasmado ko na nagpabagal sa pagsagot ko at dahil na rin sa mga nakasama ko sa loob ng silid na mga walang modo. Sila’y sobrang ingay kahit pinapagalitan na ng aming tagapagbantay nag-iingay pa rin at nagbabatuhan pa nga ng kanilang bote (thumbler). Gusto na ngang tumayo sa inis at sabihin na, mga walang respeto kayo!. Pero hinayaan ko na lang dahil baka’y mabaliktad ang sitwasyon, ako yung maging walang respeto dahil nagmamataas ako.
Pagkatapos ng NCAE, nakahinga na ako ng maluwag. Ngunit hindi maalis sa aking isipan kung ano kaya ang magiging result ang pagsusulit na iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento