Pagtutulungan ang uri sa araw na ito dahil
kahit saan ka magpunta basta’t kasama mo ang iyong mga totoong kaibigan,
tutulungan at tutulungan ka sa abot ng kanilang makakaya.
Ngayong araw na ito, pagpasok ko sa loob ng
aming silid, nagulat ako dahil sila ay gumagawa ng Takdang Aralin sa
asignaturang Filipino’t Ingles. Hindi ko alam na may takdang aralin pala. Buti
na lamang at may mga karamay ako na walang ginawa. Kaming dalawa ni Adrian
(Isang tunay na kaibigan) ay gumawa ng paraan upang makagawa lamang ng takdang
aralin. Pasimple kaming nagsusulat habang may tinatalakay sa harapan ang aming
mga guro. Namangha kami sa marka na aming nakuha kahit na saglit lang naming
iyon nagawa.
Pagkatapos ng klase, kami ay mage-ensayo
para sa Nutri-Jingle. Ngunit nalaman namin sampu lamang kada grupo angdapat
sumali. At nagpulong kami para dun. Kailangan naming magtanggal ng dalawa.
Iniisip ko na sana’y hindi ako ang matanggal .Nagkaroon ako ng pag-asa dahil
nasabi na ang isa sa dalawang tatanggalin. At bigla akong tinanong na “Okay,
lng ba sa iyo na matanggal ka?”. Kahit na labag man sa aking kalooban, sinabi
ko na lang na “Okay lang!”. Kahit na sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako.
Parang gusto ko ngang sabihin sabihin na “Marami namang pwedeng tanggalin,
bakit ako pa?”.
Ngunit naging masaya naman ako para sa
kanila kahit na tinanggal nila ako. Pwede naman ako makatulong sa pamamagitan
ng paggawa ng props o magdagdag ng mga sehistyon.
Pagpatak ng alas-tres, ang aking mga
ka-grupo sa asignaturang Mapeh ay nagsagawa ng paggawa ng Scupture o Pag-ukit .
Ang aking mga kagrupo ay itinuturi kong mga tunay na kaibigan at pwede ninyo
kaming tawagin bilang ang mga “Pabebe Boys”. Pumunta kami sa bahay ng isa
naming ka-grupo upang doon gumawa ng Pag-ukit. Gamit ang isang Perla, gagawin
naming isang kotse ito. Nahirapan kami nung una sa pag-bakat ng aming gagawin.
Pero nung kalaunan natapos ito. Ngunit nakulangan kami, kaya kinapalan at
nilubog ko pa ang pag-ukit. Subalit itoy napalya, naputol ang isang bahagi
nito. At sinabing “May paraan pa para maayos yan!”. Tumahimik ako ng ilang
minuto at nag pokus sa pag-ukit. At umayos nga. Ngunit nakulangan pa, kaya
kinapalan uli. Subalit naputol na naman. At sinabing “May paraan pa para
mapaganda yan!”. Hanggang sa pumangit, kaya uulitin na lng naming ito
kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento