Huwebes, Agosto 27, 2015

Paano at Bakit kailangan maging maingat sa pagpapahayag ng ating damdamin?

Sa totoo lang, marami tayong mga gustong sabihin o ipahayag sa taong gusto nating ibuhos ang ating nadarama. Bagamat marami tayong gustong ipahayag, ang hirap naman nitong sabihin sa taong ating sasabihan. Pagsabi lang ng I love You! sa taong mahal natin, ang hirap! Pati nga sa magulang hindi natin masabi-sabi. May mga bagay talaga na hindi natin kayang sabihin harap-harapan sa ibang tao. Marahil na takot tayong malaman kung ano ang kanilang reaksyon o tugon sa ating sasabihin. Kaya minsan sinasabi natin ito sa pamamamagitan ng iba’t ibang istratehiya o paraan.

Sa pagpapahayag ng ating nadarama maliban sa pagsabi ng pasalita, sinasabi natin ito sa pamamagitan ng pasulat. Ito ang isa sa halimbawa kung paano natin ipahayag ang ating nadarama:


Social Media- facebook, twitter, instagram at iba pang website ang ating pinupuntahan upang masabi lang ating nadarama. Dito natin minsan ipinapahayag ang ating damdamin lalo na kung punong-puno na tayo. Ngunit pagdating sa social media kinakailangang maging disente’t maayos ang pagpapahayag natin ng ating nadarama at walang halong mura’t mga masasamang salita dahil libo-libong tao ang nakasubaybay o nakakakita ng ipinu-post natin.

Sabi nga sa GMA News, “Think before you Click” na nangangahulugang pagisipan muna natin ang ating mga sasabihin bago natin ipagkalat sa nakararami. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pagpapahayag ng ating damdamin.

Miyerkules, Agosto 26, 2015

Pakiramdam sa pagkuha ng NCAE

Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig ang salitang NCAE. Ano nga ba ang NCAE? Ang NCAE o National Career Assessment Examination ay isang test upang malaman ang maaari mong kuning kurso pag tayo’y magkukolehiyo na. Ang bilis talaga ng oras. Ngayon pa lang inaalam na natin ang ating kukuning kurso. 

Noong pagpasok ko sa silid, kung saan ako magte-test. Inisip ko kung ano ang mga tanong na lalabas sa Exam. Pero hindi ako nag-aalala dahil alam ko wala naman ditong bumabagsak. Pero nung nalaman ko na dito pala kinukuha ang resulta na kukunin mong kurso, kinabahan ako! Paano na lang kung Pari, Magsasaka o kahit anong trabaho na hindi ko naman gusto ang maging result ang NCAE ko? Naalog ata ang utak ko sa dami ng mga tanong lalo na sa Accountancy at Business Management, na kada tanong may babasahing mahabang sitwasyon.

Idadagdag ko na rin ang aming tagapagbantay na napaka bait dahil binigyan niya ako kahit kaunting oras upang matapos ang pagsasagot ko na NCAE dahil na rin sa pagiging pasmado ko na nagpabagal sa pagsagot ko at dahil na rin sa mga nakasama ko sa loob ng silid na mga walang modo. Sila’y sobrang ingay kahit pinapagalitan na ng aming tagapagbantay nag-iingay pa rin at nagbabatuhan pa nga ng kanilang bote (thumbler). Gusto na ngang tumayo sa inis at sabihin na, mga walang respeto kayo!. Pero hinayaan ko na lang dahil baka’y mabaliktad ang sitwasyon, ako yung maging walang respeto dahil nagmamataas ako.

Pagkatapos ng NCAE, nakahinga na ako ng maluwag. Ngunit hindi maalis sa aking isipan kung ano kaya ang magiging result ang pagsusulit na iyon.

Linggo, Agosto 16, 2015

“Simula ng panibagong yugto ng pagiging baitang siyam”

Sabi nga nila “walang poreber!” dahil sa bawat katapusan may bagong simula. Natapos na ang unang markahan at may panibago na namang simula ng pangalawang yugto ng pagiging baitang siyam. Sa bawat simula ng markahan, marami tayong mga inisip na inaasahan natin sa markahang ito. Hindi ko lubos maisip na ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na ikalawang markahan na pala. Hindi ko man lang naseryoso ang unang markahan. Ngunit marami akong inaasahan ngayong markahang ito. Nais kong baguhin ang mga nakagawian kong mali sa nakaraang markahan. 


Inaasahan ko sa panibagong markahan na mas magiging aktibo ako sa klase. Sisikapin kong magtaas ng kamay pag may talakayan. At tatanggalin ko ang aking hiya sa harap ng aking mga kaklase, sa pag-uulat o sa pagdula-dulaan man. Kaya maga-advance review ako para masundan ko ang mga ituturo ng aming mga guro sa paaralan. 

Ang pagiging late o pagiging huli sa klase ang isa sa gusto kong baguhin sa mga susunod na markahan. Gagawin ko ang lahat upang gumising ng maaga. Dahil na rin sa pagod kaya hindi ako nagigising sa tamang oras. Kaya gagawin ko na ng maaga ang lahat ng aking mga takdang aralin o mga proyekto upang hindi na ako magpuyat.
Minsan dahil na rin sa dami ng mga gawain hindi ko nagagawa ang lahat ng ito. Kaya minsan nira-rush ko ang ibang gawain. Ginagawa ko nga yung iba habang nagtatalakayan. Kaya gusto kong baguhin ang nakasanayang gawain na ito, ang pagra-rush ng takdang-aralin o mga proyekto. Kaya habang maaga tapusin na ang mga gawain at huwag magmadali sa paggawa nito. At balansehin ang mga oras upang hindi maguluhan kung ano ang uunahin.

May kasabihan ngang “Pag-gusto mo maraming paraan, Pag-ayaw mo maraming dahilan”. Nawa’y ang mga isinulat ko na ito ay maisakatuparan at magawa ko ng tama.





Sabado, Agosto 15, 2015

“Unang Markahan, Unang Pahirap”

Saya, lungkot, inis, at pagod ang aking nadama sa paunang markahan. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala ang klaseng paghihirap ang mararanasan ko ngayong nasa ikasiyam na baitang na ako. Unang markahan pa lang mukhang susuko na ako. Sa mga pinapagawa ng aming mga guro ng takdang aralin, mga proyekto at iba pa. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, gawain sa bahay o mga pinapagawa sa paaralan. Sa oras pa lang, hirap na akong magbalanse lalo na may gampanin pa ako sa paaralan bilang SSG officer. Napapagalitan na nga ako minsan ng aking nanay na bakit araw-araw akong nasa eskwelahan pati sabado’t lingo wala ako sa bahay. 


Dalawang buwan pa lang, marami na akong kakaibang mga naranasan sa markahang ito na hindi ko pa nararanasan sa mga nakalipas na taon. Hindi sa pagkakaila, ngayong taon ko lang naranasan ang pagkahimatay sa gitna ng maraming tao. Dahil sa hindi ako kumain ng maayos sa araw na iyon, nahimatay ako at pinagtulong-tulungan akong buhatin papuntang clinic. At doon ko naramdaman ang pagmamalasakit nila sa akin bilang isang totoong kaibigan. 


Ngayon ko lang rin naranasan ang umiyak ng sobra. 1st time kong umiyak sa harap ng aking mga kaibigan. Dalawang beses pa nga akong lumuha. Ang una ay yung nagalit ang isa kong kaibigan sa akin dahil hindi ko binura ang kanyang litrato na di kanais-nais. Ngunit nalaman ko na umarte lamang siya upang paiyakin ako. Ang dahilan kung bakit ako umiyak ay dahil ayaw na ayaw kong may nagagalit sa akin, lalo pa’y kaibigan mo ang nagagalit sa iyo. Ang pangalawa naman kung bakit ako umiyak ay dahil sa nagalit ang isa kong guro at sinabihan ako ng masasakit na salita kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko nga alam kung bakit siya galit sa akin. Ngunit humingi naman ako ng kapatawaraan kahit hindi ko alam kung anong kasalanang ginawa ko. Ang ayaw ko lang ay yung may nagagalit sa aking guro na itinuring mo naring isang tunay na ina at sasabihan ka ng masasakit.


Ang pagiging huli sa pagpasok sa klase ang isa sa nararanasan ko ngayong pagiging baitang siyam. Simula elementarya hanggang baitang walo ay hindi ako nahuhuli sa klase. Hindi sa pagiging tamad gumising ng maaga, nagpupuyat ako dahil sa dami ng mga gawain o mga takdang aralin sa bawat asignatura. Minsan nga paghindi ko natatapos ang mga takdang aralin ginagawa ko ito sa loob ng silid habang nagtatalakayan. Nira-rush ko nga ung iba basta may maipasa lang.


Ang pagra-rush o pagmamadali ng mga gawain ang isa rinsa nararanasan naming lahat magkakaklase.
Hindi dahil hindi namin ginagawa ang mga gawain ng maaga, ay dahil na rin sa dami ng mga gagawin na hindi mo alam kung ano ang uunahin.

Tiyak na mas lalala pa at mas hihirap pa sa mga susunod na markahan. Subalit hindi ako susuko hangga’t kaya kong gampanan lahat ng mga gawain. Sana’y sa pamamagitan ng paghihirap na ito makuha ko ang aking mga minimithing pangarap sa buhay.

Lunes, Agosto 10, 2015

Garbage Love: Paboritong Kwento

Pagbabasa ng mga libro o panunood ng mga pelikula, ang mga kinahihiligan ng marami pagwalang ginagawa. Isa na ako sa mahilig manuod ng maiikling pelikula sa youtube. Isa sa tumatak sa aking isipan ang kwentong Garbage Love na napanuod ko makalipas ang ilang buwan. Ito ay tungkol sa mag-ama na walang-wala. Ang Ama ay isang hamak na basurero lamang na ang kanyang anak ay naghahangad ng mga materyal na bagay na mayroon sa mga kaklase niya. Ang kwentong ito ay sobrang nakakaiyak. Nagsimula tumulo ang aking mga luha noong tinapon ng anak ang hinandang pagkain ng kanyang ama na dinala pa sa paaralan upang makakain siya ng tanghalian. At noong binilhan siyang 2nd hand na cellphone na pinagipunan ng kanyang ama na tinapak-tapakan at dinurog lang ng anak. Kung ikaw ay isang ama na katulad rin ang sitwasyon ng nasa kwento, ano kaya ang mararamdaman nyo? Syempre! Masasaktan dahil pinaghirapan mo tapos ganoon ang igaganti sa iyo. At sa huli ay na pagisip-isip niya na maging kuntento kung anong meron na ibinigay sa inyong panginoon at kung anong ginawa mo sa magulang mo, babalik rin ito sa iyo.

Linggo, Agosto 2, 2015

Mga Kaibigang Tunay



Mga Kaibigang Tunay



Sa araw-araw ng buhay ko

Mga problemang binubunno ko

Sila ang isa sa naging inspirasyon ko

Upang malampasan ang balakid sa landas ko



Malaki ang papel nila sa aking buhay

Dahil pag ako’y nalulumbay

Sila’y sa akin nagpapasaya

Upang ako’y lumigaya



Pag kami’y sama-sama magkakaibigan

Bukod sa sobrang ingay 

Sila yung nagpaparamdam

Na hindi Boring ang buhay



Pagiging maingay at palabiro

Ang natutunan ko sa aking mga katoto

Pagiging palakaibigan 

Ang nahubog sa aming pagsasamahan



Sila’y laging nasa tabi ko 

Na naging malapit sa puso ko

Ang mga kaibigang katulad niyo

Kaya maraming-maraming salamat sa inyo






Nasa iyo na ang lahat by Daniel Padilla: Paboritong Musika


   Mga Kanta o Musika ang halos kinahihiligan ng nakararami. Isa na ako doon namahilig sa musika. Isa sa mga kantang paborito kong kantahin ay ang“Nasa iyo na ang lahat. Hindi lang dahil magandang itong pakinggan o dahil si kantang kumanta nito. Dahil narin sa Tono ng kanta na bumabagay sa Timbre ng aking boses. At sa mensahe ng kanta na pwede mong kantahin sa taong mahal mo. “Nasa iyo na ang lahat pati ang puso ko” ang isa sa mga linya ng kanta na tumatak sa aking isipan dahil naiisip ko ang aking iniibig na kaya ko siya nagustuhan ay dahil nasa kanya na ang lahat at wala na akong hihilingin pang iba.

"Nasa Iyo Na Ang Lahat"

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Lahat na mismo nasa 'yo 
Ang ganda, ang bait, ang talino 
Inggit lahat sila sa'yo 
Kahit pa tapat man kanino 

Kaya nung lumapit ka sa'kin 
Ay, bigla akong nahilo 
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon 
Ang hinahanap mo... 

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso ko... 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Kinikilig pa rin ako 
Ang sarap magmahal 'pag panalo 
Nag-iisa sa puso ko 
Ito'y kaya 'di na ba magbabago 

Ako ang pinili sa dami 
Ng ibang nirereto 
Hindi akalaing 
Sabihin mong ako na lang 
Ang kulang sa iyo... Ohh

[Chorus:]
Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Nasa 'yo na ang lahat 
Minamahal kitang tapat 
Nasa 'yo na ang lahat 
Pati ang puso kohhh 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh 
Na-nasa 'yo na ang lahat 

[Coda:]
Nasa 'yo na ang lahat...