Lunes, Hulyo 20, 2015

Juan Tamad

  Ang Alamat ang bagong patok sa mga manunood sa mundo ng telebisyon sa pilipinas ngayon, na Animated Series ng GMA Network. Ngayon Linggo, ibinida ang Kwento ni Juan Tamad. Gamitang boses, ginampanan ni Mike Tan ang papel ni Juan Tamad at si Louise Delos Reyes bilang Maria Masipag.

 Ang ibinida ng GMA na Alamat ay Iba o taliwas sa na kasanayang kwento ni Juan Tamad. Ipinakita sa Alamat na tungkol kay Juan na may nakilalang isang babae, at iyon si Maria Masipag. Nakilala niya ito nung pitasin ni Maria ang bayabas na hinihintay na mahulog sa bibig ni Juan at dito nagsimula ang pagtitinginan nilang dalawa. Nang inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng alimango, itinuro na lang nya ang direksyon ng kanilang bahay sa mga alimango upang tulungan niya si maria sa pagbubuhat ng mg agamit. Nang nagkasakit ang kaniyang ina, gumawa siya ng paraan upang makahanap ng perang pambiling gamot. At doon natutunan niyang magbenta ng palayok. Dahil kay Maria Masipag, Unti-unting nagbabago ang pag-uugali ni Juan. Naging masipag na si Juan. At sa huli’y nagkatuluyan at nagpakasal silang dalawa.

  Sa totoong bersyon ng Kwentong Juan Tamad, walang nabanggit na babaeng nakatagpo si Juan. At ang wakas lamangng kwento ay ang pananakot ng isang matandang babae na isusumbong siya sa kanyang ina.

  Mahahalintulad ko ito sa panahon noon dahil sa paghahanap nilang kabiyak kailangan masipag ang kanilang ka-irog. Hindi katulad sa panahon ngayon kung sino yung may hitsura o kung sino yung may kaya, sila yung kinagu-gustuhan ng lahat. Bakit kaya ganoon ang mga Pilipino? Marahil sapagbabago narinng mga panahon, kaya nagbabago rin ang mga gusto ng mga Pinoy.

Miyerkules, Hulyo 8, 2015

“Huling SONA ni PNoy”

 Inihayag ni PNoy ang mga nagawa niya sa kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon at ang kanyang gagawin sa huling taon ng panunungkulan.

 Ano-ano nga ba ang kanyang mga nagawa? Natupad ba ang kaniyang mga ipinangako sa atin sa mga nakarang SONA?

 Bilang isang mamamayang Pilipino, alam natin na may isinasagawa at isinasatupad si PNoy para sa ating bayan. Ngunit nakakatulong ba ito para sa ating pag-unlad?

 Narito ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pangkabuhayan Program na nagsasaad na ito’y pantustus ng mga pangangailangan na pamilyang walang-wala o lugmok sa kahirapan. Ito’y nakakatulong subalit maraming nagsasabi na ito ay hindi sapatpara sa mga pangangailangan ng isang pamilya. Kaya kailangan pa rin natin mag trabaho at hindi lang aasa sa mga programang katulad nito.

 Narito din ang pagsasabatas ng K-12 curriculum. Marami ang nagrereklamo tungkol dito dahilan raw ng bigla-bigla’t hindi pa handa ang mga magulang para sa curriculum na ito. At mas hahaba pa ang taon na gugugulin ng mag-aaral. Pero sa kabilang banda may magandang maidudulot naman ito para sa mga kabataan dahil mas huhusay at mas lalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa pagdaan ng panahon. Kaya lamang isinatupad ito dahil ang Pilipinas lamang ang hindi K-12 ang curriculum sa buong Asya.

 Marami pang mga naisatupad ang ating pangulo at sa huling taon ng kanyang termino, may mga isasabatas pa siya katulad na lamang ang Bangsamoro Basic Law at ang Anti-Political Dynasty Law.

 Ang sabi ni PNoy, “Umuunlad na ang Pilipinas”, ang sagot naman ng mga kabataan “Edi WOW!”. Alam nga natin na may ginagawa’t isinasatupad si PNoy para sa ating bayan, ngunit napapansin ba natin ang lahat ng iyon? Nararamdaman ba natin ang pag-usbong at pagyaabong n gating bansang Pilipinas?

Ayon sa nakararami, parang hindi pansin ang pag-unlad. Bakit? Kasi kahit anong gawin o kahit anong ang pagpupursigi’t pinaghirapan natin, basta’t may corrupt, hindi uunlad ang bayan. Sabi nga ni PNoy, “Kung walang corrupt, walng mahirap”. Tama!!, wala sanang mga pulubi, wala sanang nangingibang bansa (OFW), wala sanang mahirap, kung hindi dahil sa mga buwayang nakaupo sa pwesto, maunlad na sana ang Pilipinas. Napakalaki ng mga binabayad na mga Tax o buwis ng mga mamamayan ngunit saan ba ito napupunta, sa Pilipinas ba o sa Bulsa ng Buwaya.

 Hindi ko lubos maisip na tumatakbo lamang ang iba para lamang sa yaman ng bayan. Sana nga maisabatas na ang Anti-Political Dynasty Bill upang hindi lang isang angkan ang mga namununo sa atin. Baka’y hindi natin alam, tumatakbo ang buong pamilya para lamang sa yaman dulot ng pagkapanalo.

 Kaya sana’y sa darating na eleksyon 2016 ay piliin at iboto natin ang karapat-dapat na maging lider ng Pilipinas upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.

July 08, 2015: “Bakit ganun?, Sila na lang lagi? Pwede kami naman!?”

  Tag-ulan na nga talaga, sunod-sunod na bagyo ang dumarating sa ating bansa.

  Akala ko nung umaga wala ng pasok sa lakas ng ulan. Nang tumigil na, nakita ko ang mga mag-aaral na nagsisipasukan na. Kaya dali-dali ako naligo upang makapasok ng maaga sa klase. Alas-otso ng umaga o 8:00 am, ayan na naman si ulan. Lulubog lilitaw ka na lang lagi!. Iniisip ko isu-suspende na naman ang klase ng mga panghapon katulad nung isang araw. At biglang sinabi ni mam suspended na ang klase. “Nung saka pauwi na kami doon lang sinuspende ang klase, andaya naman, dapat kanina pa!”. Pero iniisip ko na lugi nga kami sa panghapon dahil sila ay walang pasok ng dalawang araw subalit mas marami naman kaming natutunan kesa sa kanila. At umuwi kami ng may ngiti sa labi.

  Oras ng asignaturang Filipino, Ipinakita ng bawat grupo ang kanilang ginawang alamat. Nung kami ang nagpakita ng galing sa pagkukuwento at pag-aarte tungkol sa alamat ng Turon, nakita ko ang reaksyon ng aming guro’t mga kaklase. Sila ay tuwang-tuwa at nagalingan sa aming presentasyon kahit na saglit lang namin iyon pinagusapan, nagmukha itong pinaghandaan. Kaya nananatili kaming na may pinaka-mataas na iskor sa lahat ng grupo.

  Pagkatapos namin pumasok, dumiretso kami kila ate ja upang gumawa ng Rap Song para sa asignaturang ingles. Buti na lang andyan si karlo na nag-composed ng lyrics. At ang mga gaganap bilang bida sa music video ay sila-sila rin. Iniisip ko na “sana kami naman, sila na lang lagi! At ano bang meron sila na wala sa amin?”

Martes, Hulyo 7, 2015

July 07,2015: “Buti na lang!”

“Hays! ang sakit talaga, di mo maiiwasan”. Di magandang araw para sa akin ang araw na ito. Dahil hindi ako nakapasok ng eskwelahan. Maghapon ako nakahiga sa kama. Buti na lang unti-unting nawawala ang aking sakit. Alas-tres ng hapon naligo na ako dahil naaamoy ko na ang aking sarili na amoy……… Naalala ko na canteener pala ako. At pumunta ako sa aking paaralan sa gitna ng ulan. Nakita ko ang aking mga kaibigan na itinuturi kong mga kapatid sa loob ng aking paaralan. Nag-alala sila kung ano ang nangyari sa akin. At sinabi ko na “wag na kayong mag-alala dahil maayos na ako ngayon”. Mga alas-sinko, nag-canteener na kami. Doon wala kaming ginawa kundi nagharutan at nagasaran lang. Kaya ang ingay namin sa loob ng canteen. Buti na lamang hindi nagalit si mam. Pagkatapos nag-remitan na ng pera . Buti na lng hindi kulang at sobra pa. Kaya kami ay nagsiuwian na, na may ngiti sa labi. 

Lunes, Hulyo 6, 2015

July 06, 2015: “Ano ba yan!?

   Akala ko walang pasok ngayon sa lakas ng ulan. Pero meron pala. At may ipapasang awtput sa asignaturang Mapeh na Stained glass at Architecture kung kaya’t pumasok ako kahit na maulan. Tuwing nakikita ko ang aming stained glass, naaalala ko ang mga nangyari. Pinaghirapan mo tapos mababasag lang pala. Buti na lang sinabi ng aming guro na bukas na lng ito ipapasa. Tuwang-tuwa kami dahil pwede pa namin ito maulit. 


   Pagkatapos ng klase, Ayan na naman si ulan. Kaya naghintay muna kami sa covered court hanggang sa tumigil ang ulan. Pagkatila ng ulan, ang mga “Pabebe Boys” ay bumili ng bagong stained glass sa Pagrai upang gumawa ng panibagong proyekto. Pumunta kami sa bahay ni Adrian at kinuha ang gagamiting mga pintura. Pagkalipas ng ilang minuto, dumiretso kami sa paaralan at nakita namin ang mga mag-aaral ng pang 2nd-shift ay nagsisiuwian na. At napag-alaman namin na sinuspende pala ang klase. Iniisip ko na kung kailan tumila na ang ulan dun sila nagsuspende. Pero ok lng dahil nakapasok kami at may natutunan pa. Kami na lamang ang natira sa loob ng eskwelahan. Kaya nagsimula na kaming nagpinta. Buti na lang andyan si Villa na tumulong sa amin magtapos. At nung tuyo na, inilagay namin ito sa plastic bag at inuwi ko ito sa bahay. At saka umuwi na kami.

  Pagkauwi ko, aayusin ko sana ang aming gawa ngunit pagkakuha ko ng baso sa plastic nagsitanggalan lahat ng pintura. Kung kaya’t inulit ko ito hanggang sa matapos.

Linggo, Hulyo 5, 2015

July 05, 2015: “Boom Punit!; Boom Basag!”

  Maulan na araw ng linggo sa inyo! Kahit na maulan tumupad parin ako sa usapan na magkita-kita sa may tapat ng angels burger, mga ala-una ng hapon upang gumawa ng Stained glass sa asignaturang Mapeh. Pagdating ko dun wala kahit sinong pumunta. Kaya ako’y pumunta na lamang sa bahay ng dalawa kong kagrupo sa Mapeh na sina Christian at Adrian. Una bumili muna kami ng mga kagamitang ka-kailanganin. At nagsimula kami sa pagpapahid ng puting pinturasa baso. Sobrang tagal nito natuyo. Habang hinihintay ko matuyo ang pintura, hindi ko namalayan na ang aking pera na nagkakahalaga ng bente ay nginangat-ngat ng aso ni Adrian. Nakita na lang namin na halos kalahati na lamang ang natira. Naispan namin na ibili ito ng tinapay, na kailangan hindi dapat mahahalata ng tindera na punit ang benteng ipambibili. Itinupi ito ng tatlong beses ni Christian at ibinili niya ito. Buti na nga lang hindi nahalata nga tindera na punit ang ibinigay naming pera. At pagbalik tuwang-tuwa kami dahil hindi nasayang ang bente ko.


  Pagkatuyo ng pintura pinahiran namin ito ng kung ano-anong kulay hanggang sa ito’y gumanda pagkatapos naming magpintura nilinis namin ang pinagdumihan namin. Inilagay namin ang baso sa lamesa. Hindi namin naisip na ito’y mababasag. Hindi namin ito pinaki-alaman subalit bigla itong natumba ng di inaasahan. Parang iiyak na nga sana ako dahi pinaghirapan mo ng buong maghapon tapos ayon ang mangyayari. Ngunit ang mama na ni Adrian ang mag-aayos gamit ang “mighty bond”. At umuwi na kami, na nag iisip kung ano ang mangyayari sa staind glass kinabukasan.

Sabado, Hulyo 4, 2015

July 04, 2015: “Sabado't linggo may pasok”

Parang araw-araw may pasok dahil sa mga pangkatang gawain. Ngayong sabado, may pangkatang Gawain sa bahay nila ate jana. Nung una hindi ko alam na meron pala kaya tinext ko sila. Halos lahat naman kami ay nandoon maliban lamang sa dalawa. Una, gumawa muna ng sariling alamat at ang naisip na alamat ay ang “Alamat ng Turon”. Sunod, para sa asignaturang agham gumawa ng “poster” ngunit halos ang gumawa ay si Hermie. Pagkatapos, gumawa ng “Rap Song” para sa asignaturang Ingles ngunit hindi namin ito natapos kung kaya’t ipagpapatuloy namin ito sa lunes. Pagpatak ng Alas-sais nagsiuwian na ung iba. Inilabas ni Jm ang kanyang make-up at sinimulan niya ito kay Maria. Nang ma-make-up-an si Maria parang nainggit si Rose dahil si maria ay gumada nang ma-make-up-an. Pagkatapos pinilit kami ni Maria na magpa make-up sa kanya, kaya napilitan na rin kami. Ang bahay ni ate ja ay parang naging isang parlor. Akala ko mas po-pogi kami pagna-make-up-an hindi pala, Gaganda pala kami. Ngayon ko lng na pagtanto na bagay pala sa akin maging isang babae.

Biyernes, Hulyo 3, 2015

July 03, 2015: “Sa puso’t isipan namin kayo ang “The Best” sa lahat”

Kahit walang review-review para sa nutri-quiz, sumabak pa din ako. At ang malupit pa dyan ay nakakuha pa ko ng mataas na Iskor dahil sa mga madadaling tanong. Kahit partisipasyon lang ang aking nakuha ay masayang-masaya na ako. Pagkalipas ng ilang oras, ayan na ang mga kasali para sa Nitri-jingle. Nung una, hindi ko lubos maisip kung mananalo kami. Ngunit nung nag-perform na, napagtanto ko na panalong-panalo pala ang Beaters. Ibang-iba sa praktis ang ginawa nila ngayon. Sobrang dami ang nagalingan sa kanila. Ngunit nung sinabi na ang mga panalo, may halong saya’t lungkot ang aming nadama. Dahil sa tingin namin hindi kami pang 2nd kundi pang 1st kami sa lahat. Pero ok lang dahil meron kami nakuhang pwesto at sobrang daming nanalo sa iba’ibang larangan sa buwan ng nutrisyon ang IX-Antipolo. 

Huwebes, Hulyo 2, 2015

July 02, 2015: “Ulitan sa Kulitan”

Araw ng ulitan, Inulit na naman namin ang ginawang sculpture kahapon. At sa bahay kami ni Karlito gumawa. Bago kami pumunta sa bahay nila, galing sa eskwelahan, dumiretso kami sa bahay nila ate jana at doon isinasagawa ang pagpa-praktis para sa nutri-jingle. Nanuod lang kami ng kunti tapos pumunta na sa Mambugan Paint Center para bumili ng mga pintura. Pagpunta sa bahay ni Karlito, kumain muna kami ng tanghalian. Nagluto si Renz ng Itlog ngunit ito’y sobrang alat. Kumain kami ng chocolate at pulburon para sa panghimagas. Pagkatapos, nagsimula na kami sa paggawa. Nadalian kami sa pagbabakat. Ngunit sa pagpipintura, doon kami nahirapan. Sorang tagal nito matuyo. Kaya nagkwentuhan at nagkulitan na lang kami hanggang sa ito’y matuyo. At natapos na may magandang proyekto.


Miyerkules, Hulyo 1, 2015

July 01, 2015: “Magtulungan Tayo”

Pagtutulungan ang uri sa araw na ito dahil kahit saan ka magpunta basta’t kasama mo ang iyong mga totoong kaibigan, tutulungan at tutulungan ka sa abot ng kanilang makakaya.

Ngayong araw na ito, pagpasok ko sa loob ng aming silid, nagulat ako dahil sila ay gumagawa ng Takdang Aralin sa asignaturang Filipino’t Ingles. Hindi ko alam na may takdang aralin pala. Buti na lamang at may mga karamay ako na walang ginawa. Kaming dalawa ni Adrian (Isang tunay na kaibigan) ay gumawa ng paraan upang makagawa lamang ng takdang aralin. Pasimple kaming nagsusulat habang may tinatalakay sa harapan ang aming mga guro. Namangha kami sa marka na aming nakuha kahit na saglit lang naming iyon nagawa.

Pagkatapos ng klase, kami ay mage-ensayo para sa Nutri-Jingle. Ngunit nalaman namin sampu lamang kada grupo angdapat sumali. At nagpulong kami para dun. Kailangan naming magtanggal ng dalawa. Iniisip ko na sana’y hindi ako ang matanggal .Nagkaroon ako ng pag-asa dahil nasabi na ang isa sa dalawang tatanggalin. At bigla akong tinanong na “Okay, lng ba sa iyo na matanggal ka?”. Kahit na labag man sa aking kalooban, sinabi ko na lang na “Okay lang!”. Kahit na sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako. Parang gusto ko ngang sabihin sabihin na “Marami namang pwedeng tanggalin, bakit ako pa?”.

Ngunit naging masaya naman ako para sa kanila kahit na tinanggal nila ako. Pwede naman ako makatulong sa pamamagitan ng paggawa ng props o magdagdag ng mga sehistyon.

Pagpatak ng alas-tres, ang aking mga ka-grupo sa asignaturang Mapeh ay nagsagawa ng paggawa ng Scupture o Pag-ukit . Ang aking mga kagrupo ay itinuturi kong mga tunay na kaibigan at pwede ninyo kaming tawagin bilang ang mga “Pabebe Boys”. Pumunta kami sa bahay ng isa naming ka-grupo upang doon gumawa ng Pag-ukit. Gamit ang isang Perla, gagawin naming isang kotse ito. Nahirapan kami nung una sa pag-bakat ng aming gagawin. Pero nung kalaunan natapos ito. Ngunit nakulangan kami, kaya kinapalan at nilubog ko pa ang pag-ukit. Subalit itoy napalya, naputol ang isang bahagi nito. At sinabing “May paraan pa para maayos yan!”. Tumahimik ako ng ilang minuto at nag pokus sa pag-ukit. At umayos nga. Ngunit nakulangan pa, kaya kinapalan uli. Subalit naputol na naman. At sinabing “May paraan pa para mapaganda yan!”. Hanggang sa pumangit, kaya uulitin na lng naming ito kinabukasan.