Martes, Hunyo 23, 2015

June 23: “Mahal ko na yata ang kaklase ko; NGITI pa lang nya, BUO na ang araw ko”

Di ko man siya pinapansin, minamasdan ko naman siya kapag hindi sya nakatingin. At pagnakita ko siyang nakangiti parang buo na ang araw ko. Kahit hindi na ako mag-recess basta’t ngumiti lang siya sa akin busog na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Tititigan ko lang siya parang sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok. Mahal ko na yata ang kaklase ko. Pero pag-aaral muna bago pag-ibig. Isantabi muna ang nararamdaman ko para sa kanya.

1 komento:

  1. walang masamang magmahal basta gawin mo syang inspirasyon sa araw - araw na buhay, or sa twing syay iyong makikita. masaya kapag may inspirasyon ka sa lahat ng yong ginagawa, di naman masamang iapaalam ang pagmamahal malay mo mahal ka din nya. edi mas maganda db masya na ang buhay. lalot alam mo naman ang limitasyon nyo bilang isang responsibleng bata, anak at mag aaral.

    TumugonBurahin