Bago ako pumasok ng aming paaralan, habang hinihintay ko bumukas ang gate. Iniisip ko na sino kaya ang mga bago kong kaklase, mababait kaya? At ang mga dati kong mga kaibigan, kaibigan ko pa kaya? Pagkabukas ng gate, dumiretso agad ako sa aking magiging silid. Nakita ko ulet ang mga dating mukha ng Aristoteleans. Umupo agad ako katabi ng aking mga kaibigan. Nagtatanungan kami na “Kumusta?, Ano ginawa nyo nung bakasyon? Parang sobrang tagal naming nawala eh! Napansin ko na parang walang nawala sa seksyon namin at tatatlo lng ang nadagdag.
Iniisip ko na sana si Sir. Timbal uli ang
aming maging guro, ngunit nagiiba talaga ang panahon at naniniwala akong
”walang forever” dahil si mam Cabrera na ang aming gurong tagapayo ngayong
panuruang 2015-2016 ng baitang 9-A. Siya ay simple at mabait na guro. Unang
tingin ko pa lang sa kanya, alam ko na agad sobrang gailing nyang guro.
Simula na ng pagiging leader. Sana
magampanan ko ito!. Nagsagawa ng Oryentasyon para sa mga mag-aaral ng MNHS.
Dito isinagawa ang unang Flag Ceremony. At dito sa oryentasyong ito,
ipinakilala ang lahat ng guro na kanilang makakasalamuha araw-araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento