Martes, Hunyo 30, 2015

June 30: “Sabay-sabay kumanta, ang mga boses baka”

Ngayon ay gumawa kami ng mga kanta para sa Nutri-Jingle. Naghanap kami ng lugar na paggagawaan ng kanta. Una pumunta kami sa Brendwood ngunit hindi kami pinapasok ng guwardya dahil sa dami namin. Kaya pumunta na lang kami sa bahay ni Vane at doon kami gumawa. Mapayapa atmapresko ang paligid.Doon nagbahagi kami ng aming mga sehisyon upang mapaganda ang presentasyon. At doonsa loob ng bahay nagkulitan, naglaro at nagharutan kami habang ginagawa ung kanta. Noong natapos na yung kanta, inawit namin ito ng sabay-sabay. Buti na lang hindi umulan dahil sa aming mga boses baka.

Lunes, Hunyo 29, 2015

June 29: “Mag-aaral na lumalabag, Umunti!”

Natutuwa ako dahil nung dati maraming nalilista na lumalabag ng patakaran ng eskwelahan ngunit ngayon ng dahil sa pagbabantay at pagpapa-alala ng SSG officers umunti ang mga lumalabag. Iilan na lang ang mga hindi sumusunod. Sa mga lalaki, maraming nang nagbago. Ung iba nagtanggal na ng kulay ng kanilang buhok at ang kanilang pantalon ay pinalitan na nila ng hindi baston. At lalo-lalo na ung babae, halos wala na nagme-make-up at nagsusuot ng maikling palda. Sana magtuloy-tuloy ang magandang pagbabago ng mga mag-aaral hanggang sa susunod na mga taon.

Linggo, Hunyo 28, 2015

June 28:“Kahit na nakakahiya, sige lang!, grade ang kapalit nito”

Ang araw na ito ipinakita ng bawat grupo sa asinaturang A.P. ang kanilang presentasyon. Kahit na nakakahiya, sige lang!, grade ang kapalit nito. Mas nakakahiya ang iyong gagawin at mas nakakatawa, mataas na marka ang ibibigay sa inyo. Parang nagbuwis buhay kami, naghubad at nglagay ng glue sa kili-kili at malapit sa labi upang doond idikit ang bulak at magmukhang bigote. Kahit ang baho, sige lang para may bigote. Pagkatapos ng presentasyon, dali-dali kaming pumuntasa CR upang doon maghugas ng mukha’t kili-kili. Nung oras na ng T.L.E., ayan na! ipapasa na ang unang awtput. May pinabago, ngunit kunti lang. At ayan na naman! may bago na namang awtput. Buti na lamang ganoon pa din ang aming gagagwin. At mas madali kesa nung dati.

Sabado, Hunyo 27, 2015

June 27: “Usapan para sa dula-dulaan”



Pumunta kami kila ate jana upang pagusapan ang gagawing dula-dulaan sa A.P. para sa lunes. Ano kayang ang itsura namin sa lunes? Sa panahon kasi ng Mesolitiko, hindi pa ganoon kaunlad ang kanilang pagiisip kaya sa dula-dulaan isasadula namin ang mga ginagawa ng mga sinaunang tao nung panahong Mesolitiko. Kaya langmaghuhubad kami, kita ung mga buto namin. Bahala na bukas.

Biyernes, Hunyo 26, 2015

June 26: “Usapan sa magiging Proyekto”

Nagsagawa ulit ng pagpupulong ang SSG upang pag-isipan ang mga gagawin naminsa darating na mga araw. Pinag-usapan ang mga gagawing proyekto ngayong panuruang 2015-2016. Pagkatapos ay nagkaroon ng Flag Retriet. Pagkatapos ay bumiIi ng pagkain at nagmeryenda. Itinuloy namin ang pagpupulong hanggang sa ito’y matapos. At umuwi kami ng sabay-sabay.

Huwebes, Hunyo 25, 2015

June 25: “Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya”

Nagsagawa ng pagpupulong ang SSG upang sabihin ng aming gurong tagapayo ang mga kailangan naming i-improved at sanayin. Natamaan ako nung sinabi ni sir na hindi nagbabantay ng gate. At nahalata ko na ako ang pinaparinggan ni sir. Kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magawa ko ang responsibilidad ko bilang isang Lider.

Miyerkules, Hunyo 24, 2015

June 24: “Sasali o Aalis?”

Iniisip ko kung sasali pa ba ako o aalis na sa Uma. Hindi ko alam ng dahil sa madami akong iniisip. Gusto ko mag uma dahil mahilig ako magsulat. Ngunit marami na ako nasalihang organisasyon. Kaya kailangan kong magtanggal at ang naisip ko kung Uma na lang. Pero pinag-iisipan ko para makasiguro ako.

Martes, Hunyo 23, 2015

June 23: “Mahal ko na yata ang kaklase ko; NGITI pa lang nya, BUO na ang araw ko”

Di ko man siya pinapansin, minamasdan ko naman siya kapag hindi sya nakatingin. At pagnakita ko siyang nakangiti parang buo na ang araw ko. Kahit hindi na ako mag-recess basta’t ngumiti lang siya sa akin busog na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Tititigan ko lang siya parang sasabog na ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok. Mahal ko na yata ang kaklase ko. Pero pag-aaral muna bago pag-ibig. Isantabi muna ang nararamdaman ko para sa kanya.

Lunes, Hunyo 22, 2015

June 22: “Ang napapala sa pagmamadali’

Sayang na sayang lang ang ginawa ko kahapon. Pinagpaguran ko iyon tapos uulitin ko ulit. Dapat di ko muna tinapos, dapat di ako nagmadali para maging tama ang lahat. Parang sa Pagmamahal, “Huwag mong madaliin ang bawat sandali, pagisipan mo muna bago mo gawin”. Kaya pagiisipan ko muna bago ko gawin ang mga nais ko sa buhay.

Linggo, Hunyo 21, 2015

June 21: “Circular Plate ang Hanap ko”

Gawaan na naman ng Takdang aralin lalong-lalo na sa T.L.E. Tinapos ko na lahat para wala na ako gagawin kinabukasan. Ang hirap gumawa ng walang cicular plate kaya ang ginawa ko, naghanap ako ng iba’t ibang klase o laki ng ng barya. Ginamit ko ito para pang-curve. Ang hiling ko lang ay sana tama ang aking mga ginawa.

Sabado, Hunyo 20, 2015

June 20: “Basang-basa sa galaan”

Araw ngayon ng unang pagpupulong ng HRPTA sa loob ng aming paaralan. Nagkaroon ng eleksyon ang mga magulang kada silid para sa bagong magiging officer ng HRPTA. Pagkauwi ni mama galing eskwelahan, ako naman ang pupunta eskwelahan dahil sabi ni Shen na magkita-kita kami sa paaralan. Pumuta ako ngunit wala naman sila kaya pumunta na lang ako kila Lex upang may makausap. Naisipan ng grade 10 na pupunta sila sa pandayan upang bumili ng mga pandisenyo sa kwaderno at sumama na rin ako. Bago pumunta sa pandayan, dumiretso muna kami sa puntod ni Kuya Waren. At pagkatapos ay bumili na ng gamit. Pagkalabas namin galling pandayan bumuhos ang ulan. Basang-basa kami nang pumunta kila Lex at doon kami nagpatuyo. Gumawa din kami ng mga Takdang Aralin pati na din portfolio ni Lex.

Biyernes, Hunyo 19, 2015

June 19: “Inggit ako sa kanila”

Naiingit ako sa kanila na nage-ensayo sa Indak at ang kanilang pina-praktis ay ang isa sa paborito kong sayawin, ang Pandanggo sa Ilaw. Bawal pa kasi eh! Dahil nga sa nangyari sa akin. Pero okay lang! basta ligtas ako. Pinanuod ko na lang sila. At pwede ko naman ito ipraktis sa bahay.

Huwebes, Hunyo 18, 2015

June 18: “Salamin, salamin, Ipapakita ang putok kong Labi”

Kapag tumitingin ako sa salamin, ang una kong nakikita ay ang aking putok na labi. Butina lang lumiit na siya. Kapag ipapasok ko sa bunganga ang pagkain, nasasaktan ako. At lalong-lalo na kapag nagsisipilyo at naliligo dahil pati ngipin ko naapektuhan.

Miyerkules, Hunyo 17, 2015

June 17: “Salamat sa Pag-aalala”

Pagkapasok ko pa lang sa gate bumungad agad ang pagkumusta sa akin. Pagpasok ko sa loob ng silid kinumusta agadako ng aking mga kaklase. At ang sabi ko “wag na kayong magalala dahil maayos na ako ngayon”. Pumunta pa nga si Sir. Nash sa klase upang kumustahin ako. Pagkauwian, bumulaga ang mga grade 10 upang kumustahin ang lagay ko. Parang sobrang Swerte ko talaga na may mga kaibigang ako na sobrang nagaalala para sa akin.

Martes, Hunyo 16, 2015

June 16:“Aksidente tuwing Hunyo”

Bakit tuwing Hunyo nalalapit ako sa aksidente!? Ngayong araw na ito ang unang beses na ako’y nahimatay at pumutok ang labi. Nung nageensayo kami sa Indak wala akong naramdamang gutom at antok kung kaya’t hindi ako kumain ng tanghalian. Ngunit mga alas-dos nung nagbreaktime, nagharutan kami ni Adrian. Nung tinaas ko ang aking paa, hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil sa ako’y nahimatay at natumba kaya bumuhos ang mga dugo sa aking labi. Buti na lamang andyan ang aking mga kaibigan at lalong lalo na si ate susan na syang unang nakakita ng pangyayari. Tinulungan ako at dinala sa clinic. Doon inalagaan ako ng mga guro. Pinakaba ko sila dahil ang alam nila ang ulo ko ang dumugo. Nadama ko talaga na nag-aalala sila para sa akin.

Lunes, Hunyo 15, 2015

June 15: “Surpresa para kay Tatay Timmy”

Unang awtput pa lng na Lettering sa T.L.E. ang hirap na! paano pa kaya sa susunod. Buti na lang pinauwi ito at sa susunod na lunes ipapasa. Kahapon ang kaarawan ni Sir. Timmy ang kaso linggo iyon. Kaya naisipan namin na ngayon surpresahin si sir.. Nagambag-ambagan kami ng bente para sa cake. Bumili si ate ja pagkatapos ng aming klase. Pagdumadaan si sir hindi namin siya pipansin. Humanap kami ng tamang Timming para sa pagsurpresa. Nung nakahanap na ng Timming ay sinurpresa na namin siya. At Sabay-sabay kaming nagbati sa kanya. “Happy Birthday Tatay!” ang aming bati. Pinakita namin ang ginawang video clip para sa kanya. At nakikita sa kanyang mga mata na paluha na ngunit pinipigilan niya lamang.

Linggo, Hunyo 14, 2015

June 14: “Ubus ang limangdaan”

Ngayon ay uuwi na kami sa aming bahay pagkatapos ng tatlong araw ng pagbabakasyon sa cubao. Hinatid kami ni tita gamit ang kanilang kotse. Pagkauwi ay nagkwento ako kila mama kung anu-ano ang aming mga ginawa. Pagkalipas ng ilang minuto, paalis na sila tita, at biglang may inabot sa aming pera. At nakita ko 500 piso ang binigay sa akin. Maya-maya naalala ko na may bibilhin pala akong gamit sa T.L.E. buti na lang may binigay sa akin si tita na siyang gagamitin kong pambili ng mga gamit. Pamunta kami nila mama sa National Bookstore sa SM Masinag. At nagulat kami ng nakita namin ang preso na napakamahal. Naubos ang limangdaan dahil sa mga iyon.

Sabado, Hunyo 13, 2015

June 13: Maghapong nakatunga-nga!

Maghapon lang sa loob ng bahay ni Tita at nanuod lang ng mga pelikula. Kaming magkakapatid ay nagkulitan at nagselfie-selfie lang para pampabawas boring. Buti na lang andyan yung mga aso na pwede naming laru-laruin.

Biyernes, Hunyo 12, 2015

June 12: “Maligayang Araw ng Kagitingan”

Happy Independence Day! sa filipino, Maligayang Araw ng Kagitingan! Nang hindi dahil kay Andres Bonfacio at ni Emilio Aguinaldo wala tayo ngayong kalayaan.

Ito ang araw na maghapon lang sa loob ng Mall. Kaming magkakapatid at sila tita ay pumunta ng SM Sta. Mesa para manuod ng palabas na Jurasic World. Bago kami nanuod nagtanghalian muna kami sa Jollibee. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Sinehan. 1st time ko lng nakapasok sa loob nito. Sobrang lamig sa loob nito. Pagkatapos ng palabas, pumunta kami sa McDo para mag meryenda at pumunta kami sa Department Store upang doon bumili ng mga pagkain at mga pabango. Ayan na pakauwi. kainan na naman at ang ulam manok ulit. Pero okay lang dahil ito ang aking paborito.

Huwebes, Hunyo 11, 2015

June 11: “Araw ng Probinsya ng Rizal”

Kaya pala walang pasok, Maligayang Araw ng Probinsya ng Rizal!. Ang saya dahil hayahay lang sa bahay, ngunit malungkot dahil di pa ako nakakabili ng gamit sa T.L.E. buti na lang pupunta kami mga alas-sais sa aming tita. Doon magpapabili ako ng mga gamit sa T.L.E dahil wala pa kaming pambili.

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

June 10: “MbNHS, nagsagawa ng selebrasyon para sa “Araw ng Kagitingan”

Ipinakita ng Mambuganian ang pagiging isang makabayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng selebrasyon ng Araw ng kagitingan. Dito ipinakita kung paano maging isang makabayan at kung bakit ito kailangan gawin. Sa pamumuno ng SSG at Samaka naging matagumpay ang isinagawang selebrasyon.

Martes, Hunyo 9, 2015

June 9: “Maging Makabayan Tayo!”

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga SSG at Samaka para sa gaganaping selebrasyon ng Araw ng Kagitingan. Ipapakita dito kung paano maging isang makabayan at kung bakit ito kailangan gawin. At isasagawa ito kinabukasan.

Lunes, Hunyo 8, 2015

June 8: “Pero okay lang!”

Unang araw ng T.L.E., masaya ako dahil si sir Espina ulit ang aming guro sa asignaturang T.L.E. ngunit na lungkot ako dahil nalaman ko na buong taon kami magda-drafting. Pero okay lang dahil mahilig ako sa pagsusukat at pagpipinta. Ayan na naman si Bilihin andaming pinapabili!. Sobrang dami at sa tingin ko ang mamahal. Pero okay lang dahil magagamit naman namin ito sa pag-aaral.

Linggo, Hunyo 7, 2015

June 7:“Madugo ang Ingles”

Araw ngayon ng pagbabalot ng mga Kwaderno at mga Libro. Binalot ko halos lahat ng libro kaya lang nang tinamad na ko si mama na ang nagtuloy. Pagkatapos ginawa ko ang takdang aralin sa asignaturang Ingles. Ang hirap gumawa ng isang sanaysay gamit angsalitang Ingles (Nose Bleed!). Buti na lang natapos ako gumawa ng maaga.

Sabado, Hunyo 6, 2015

June 6: “Kulitan tayo”

Pumunta ako kay Lex sa pangako kong pupunta ako. Bago ako dumiretso, dumaan muna ako sa bahay ni Adrian para sabay kami pumunta. Hindi pa siya nakakaligo kaya hinintay ko muna siya hanggang siya’y matapos maligo. Pagkatapos dumiretso na kami kila Lex at nanuod ng Pelikula. Hindi ko naintindihan kong ano ang aming pinanuod ng dahil sa kami ay nagkukulitan lamang. Mga Alas-sinko ng hapon, pumunta kami kila Elena para kumustahin sila. Mga ilang oras pumunta naman kami kila ate Ebus, para makipag kulitan. Nang dumilim na ang paligid nagsi-uwian na kami dahil baka mapagalitan na kami ng aming mga magulang.

              

Biyernes, Hunyo 5, 2015

June 5: “Sulit ang Panimulang Pagsusulit”

Nagsagawa ng panimulang pagsusulit sa lahat ng asignatura. Buti na lang may ganoon upang mapag-aralan ko na kinabukasan ang mga maaaring ituro sa klase. Pagkauwian , naalala ko na nangako ako kay Lex na pumunta sa kanilang bahay bukas para mag Movie Marathon. Kaya sinabi ko kay Adrian na sumama siya bukas para masaya.

Huwebes, Hunyo 4, 2015

June 4: “Paghahanda sa Kaarawan ng aming Ama”

Pinaghahandaan namin kung paano ba su-surpresahin ang aming ama na si Sir Timmy na may kaarawan sa May 14. Iba’t ibang sehisyon ang mga binabahagi ng bawat isa. Ngunit napagkasunduan namin na magkakaroon ng isang Video Clip para kay sir. Magkakaroon din ng ambagan ng dalawampung piso para sa Cake. At para mas lalong masupresa si sir, hindi namin siya papansinin hanggang sa kanyang kaarawan.

Miyerkules, Hunyo 3, 2015

June 3: “Pagpapakilala ng mga gurong pang-asignatura

Nagsagawa ng oryentasyon para sa pagpapakilala ng iba’t-ibang guro ng MbNHS. Sa loob ng klase, nakilala namin ang mga gurong pang-asignatura na araw-araw magbibigay kaalaman sa amin. Ang hangad lang namin ay magkaroon ng maraming kaalaman sa tulong aming mga magulang at lalong-lalo na ang aming guro. At sana sa panuruang 2015-2016 ay marami kaming matutunan sa pagtuturo ng aming mga bagong guro na araw-araw magtuturo sa amin.



Martes, Hunyo 2, 2015

June 2: “Hayahay! na araw”

Hayahay! Ang araw ngayon, wala kaming ginawa kundi nag kwentuhan lamang. Upang ang aming silid ay maging kaaya-aya, nag floor wax muna kami. Pagkatapos ay nanuod lang ng pelikula na may kaukulan tungkol sa asignaturang A.P.. Hanggang nagsiuwian na. wala kaming ginawa kundi nag kwentuhan hanggang sa paglabas ng gate. At aabangan namin kinabukasan ang mga magiging guro namin sa ibang asignatura.

Lunes, Hunyo 1, 2015

June 1: Simula ng Bagong Yugto ng Pagiging Grade 9”

Bago ako pumasok ng aming paaralan, habang hinihintay ko bumukas ang gate. Iniisip ko na sino kaya ang mga bago kong kaklase, mababait kaya? At ang mga dati kong mga kaibigan, kaibigan ko pa kaya? Pagkabukas ng gate, dumiretso agad ako sa aking magiging silid. Nakita ko ulet ang mga dating mukha ng Aristoteleans. Umupo agad ako katabi ng aking mga kaibigan. Nagtatanungan kami na “Kumusta?, Ano ginawa nyo nung bakasyon? Parang sobrang tagal naming nawala eh! Napansin ko na parang walang nawala sa seksyon namin at tatatlo lng ang nadagdag.

Iniisip ko na sana si Sir. Timbal uli ang aming maging guro, ngunit nagiiba talaga ang panahon at naniniwala akong ”walang forever” dahil si mam Cabrera na ang aming gurong tagapayo ngayong panuruang 2015-2016 ng baitang 9-A. Siya ay simple at mabait na guro. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam ko na agad sobrang gailing nyang guro.



Simula na ng pagiging leader. Sana magampanan ko ito!. Nagsagawa ng Oryentasyon para sa mga mag-aaral ng MNHS. Dito isinagawa ang unang Flag Ceremony. At dito sa oryentasyong ito, ipinakilala ang lahat ng guro na kanilang makakasalamuha araw-araw.