Biyernes, Enero 1, 2016

Paalam 2015 at Mabuhay 2016


Natural na sa ating mga Pilipino ang pagsasagawa ng mga pamahiin. Sa pagsalubong ng bagong taon maraming pamahiin ang ginawa namin dahil ang paniniwala na magdadala ito ng swerte. Tulad ng pagsusuot ng damit na may Polka Dots, pahahanda ng labin-dalawang bilog na prutas at ang pagtuturotot, pang alis daw ng masasamang espiritu. Pero makakamit mo lang ang swerte sa pamamagitan ng pagiging masipag at pagsusumikap upang maabot ang pangarap.

Sobrang daming handa ang hinihain ng aking mga magulang at aking tito. Wala pang alas dose nagsisiputokan na ang aming mga kapit-bahay. Hindi kami nagpaputok upang masiguro ang aming kaligtasan. Dahil sa mapamahiin ang aking mga magulang, maraming silang sinunod na mga pamahiin. Naghanda ng labin-dalawang prutas, naglagay ng barya sa ibabaw ng pintuan at marami pang iba. Pagpatak ng alas 12, bagong taon naaa! At nagpagulang ng labin-dalawang kiat-kiat sila mama. At nagsimula ng mag-ingay ang buong pilipinas. Sobrang saya ng pagsalubong namin ng bagong taon. Sana’y mas masagana at masaya ang bagong taon natin lahat. Sana’y huwag parin tayong pabayaan n gating poong maykapal sa pagtahak ng ating landas ngayong 2016.

Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Bagong Taon, Bagong Buhay!

Marami ng mga pagsubok, paghihirap, at mga problema na ang dumating sa ating buhay noong 2015. Pero salamat sa iyo dahil dumaan ka sa aming buhay. Maraming mga bagong karanasan at mga di makakalimutang pangyayari. Subalit ngayong Bagong Taon kalimutan na ang di magagandang nangyari nung nakaraang taon at 2016 na salubungin ang bagong taon ng masaya at masagana, na may ngiti sa labi.

Marami tayong mga pangarap na sana’y dinggin sa susunod na taon. Tuwing sasapit ang bagong taon, gumagawa tayo ng mga New Year Resolution, na mga gagawin sa taong iyon. Marami akong mga gustong baguhin at gawin sa bagong taon. At Ngayong 2016 Ito ang lima kong New Year Resolution:


1) Magpapataba- Di na ako maglilipas ng pagkain upang tumaba na ako. Dahil sa mga gawain at sa mga aktibidad sa paaralan ay di ko na napapagsabay ang kumain. Ngayong 2016 mas dadamihan ko ng kumain upang ma-achieve ang gusto kong katawan.

2) Maging masipag sa gawaing bahay- dahilan ng maraming gawain sa paaralan ay di ko napapagsabay ang dalawa, ang gawaing bahay at mga takdang aralin. Ngayong 2016 gagawin ko na ang lahat upang mapagsabay ito at makatulong sa magulang.

3) Mas pag-iigihin pa ang pag-aaral lalo na ang akademiko- Nag-aaral ako ng mabuti. Ginagawa ko ang responsibilidad ko bilang mag-aaral. Ngunit sa dami ng extra-curricular ko, medyo di ko na napagtuunan ng pansin ang akademiko. Ngayong 2016, medyo babawasan ko muna ang pagsali sa iba’t-ibang club o organisasyon at mag pagtutuunan ko na ng pansin ang akademiko

4) Maging mang-aawit- hindi sa pagmamayabang, isa na akong mananayaw o dancer at isa na rin akong actor sa tyatro ng aming paaralan. Sana Ngayong 2016, maging isa na rin akong mang-aawit o singer para complete package. At gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang aking pangarap.


5) Maging isang Artista- Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan maging isang artista parang biglang pumasok na lang sa isip ko na gusto kong maging artista. Sana ngayong 2016, sana’y ito’y matupad at kung hindi man sa taong ito ay baka sa susunod pang mga darating na taon.

Sabado, Disyembre 26, 2015

Pagmamahalan, iyan ang Diwa ng Kapaskuhan


Pasko Naaaaaaaa! Maligayang Pasko sa ating lahat at Maligayang kaarawan sa iyo Panginoon. Ngayong pasko maraming regalo na naman ang matatanggap ng lahat, mga kay dami at kay sarap na mga handa.
Maraming dumating na mga bisita sa amin. Mga tito at tita dala ang kanilang mga regalo’t aginaldo sa amin. Nahihiya nga kami kasi wala kaming regalo sa kanila pero alam naman nila na GG kami ngayong pasko. Naghanda kami ng aming Noche Buena. May Spaghetti, Fruit Salad, Maja Blanca at iba pa. Medyo maingay ang pagdiriwang ng pasko sa amin dahil nag-video-oke kami at halos mga kapit bahay namin ay nagkakantahan din. Di rin mawawala ang pag-iinuman ng aking ama at mga tito.



Pero sabi nga ni Lola Nidora, “di naman mahalaga kung madami o magarbo ang handaan, basta’t sama-sama ang buong pamilya at nagmamahalan, yun ang diwa ng pasko”.

Huwebes, Disyembre 24, 2015

Ang aking Wish List ngayong Pasko: "Walang imposibleng mangyari, Lahat ng bagay ay mangyayari Sa Tamang Panahon".

Tuwing sasapit ang kapaskuhan, regalo agad ang nai-isip ng karamihan. Mga bagay na gustong nating makamtan sa ating mga magulang, mga kamag-anak, at sa mga ninong at ninang natin. Ngunit bago pa man tayo binyagan mayroon na tayong ninong na gumagabay sa atin, nagbibigay ng pangangailangan at mga aginaldo hindi lang tuwing pasko kundi araw-araw. Siya yung nagbibigay ng lakas, talino, at buhay na walang hanggan, ang ating panginoon.

Ngayong darating na kapaskuhan, hindi mahaga ang mga regalong matatanggap natin. Mamahalin man yan o mumurahin. Maganda man o hindi. Basta’t sama-sama at nagmamahalan ang pamilya, hindi yun matutumbasan ng kahit ano mang regalo. Dahil ang pamilya ang napakahalagang regalo na natanggap natin sa ating buhay nating lahat.

Marami akong hiling na sana’y matupad kahit Imposibleng o malabong mangyari. Marami akong hiling, pero sampu lang ang nailista ko dito.

1) Maging Artista- May kasabihan nga tayong “Walang imposible, sa taong nangangarap at nagsusumikap”. Alam kong medyo mahirap makamit ang bagay na ito pero wala namang masamang magarap di ba!?. Sa totoo lang dati ko pa talagang gustong maging isang artista dahil naiinggit ako sa mga taong biglang sikat sa industriya. Alam ko naman sa sarili ko kaya kong maging isang artista kung pagsusumikapan at gagabayan naman ako ng diyos upang makamit ko ang bagay na ito.

2) Maging isang sikat na Aktor- dati mahiyain talaga ako sa pag-aarte, pero nung nag-audition at nag-workshop ako sa aming paaralan para sa musical theater doon lumabas ang natatago kong galling sa pag-aarte. Maski sa loob ng aming silid-aralan ako ang laging may ganap, kung hindi bida, kotra-bida. Kahit anong role ay kaya ko. Alam kong napakataas ng pangarap kong ito, pero gagawin ko ang lahat para makamit lamang ito. Kahit di man ngayon, kahit ilan taon pa ang lumipas ay sana matupad ang pangarap kong ito.

3) Magkaroon ng sariling Cellphone- Itong hiling kong ito ay malapit ng matupad dahil ang aking tita ay nagbabalak bilhan ako ng cellphone. Gusto kong magkaroon ng sarili kong cellphone Bakit? dahil di ko matago-tago ang mga sekreto ko kila mama. Yung mga message ko, siya ang unang nakakabasa.

4) Magkaroon ng maraming Kaibigan- Mahiyahin talaga ako dati pa pero ngayon magbabago na ang dating dave. Hindi na ako magiging isang mahiyain na tao at kakapalan ko na ang aking mukha. Upang magkaroon ng madaming prends at magiging friendly ako sa lahat.

5) Tumaba- Dati ko pa gustong tumaba pero ito wala pa rin nangyayari. Kahit kain ako ng kain wala ganito pa rin, payatot. Sabi nila mabilis lang daw talaga metabolism ko kaya walang nangyayari sa katawan ko.

6) Mag-bonding ng pamilya- Dahil busy sa mga gawain kaya di kami nakakapamasyal sa kahit saan. At laging nakamukmuk sa loob ng bahay. Sana ngayong pasko ay makapagbonding na kaming mag-anak.

7) Magkaroon ng madaming damit pang-alis- Halos maliliit na kasi ang mga damit ko, at halos lahat ipapasa ko na sa aking kapatid na lalaki. Sana ngayong pasko, yung mga ninong at ninang ko iregalo sa akin ay damit para di paulit –ulit ang aking isinusuot tuwing aalis kami.

8) Makapanood ng “My BebeLove”- dahil isa rin ako sa mga fan ng aldub gusto kong mapanood ang pelikula nila meng. Gusto ko mapanood kung paano si maine umarte dahil sa pagkaka-alam ko di pa siya nakakapag-workshop kahit isa at unang pelikula niya ito.

9) Makita si Maine Mendoza sa personal- unang labas pa lang niya sa telebisyon hangang-hanga na agad ako sa kanya dahil sa galing niyang mag-dubsmash at kahit wala pa ang kalyeserye at juan for all, all for juan pa lang si Yaya Dub talaga ang inaabangan ko tuwing eat bulaga dahil sa ang galing niyang magdubsmash;

10) Makapunta ng Showtime o Eat Bulaga kasama ang pamilya at mga kaibigan- dati ko pang gustong makapunta dun. Sana man lang makapunta at makapasok ako doon kasama ang pamilya at ang mga kaibigan.


Linggo, Oktubre 11, 2015

Bayani ng Buhay ko

Guro ang siyang humubog sa kaisipan nating mga kabataan . Sila ang ikalawang magulang natin sa paaralan. Sila ang matiyagang nagturo sa atin para tayo’y matuto sa pagbasa, pagsulat, at pagbibilang. Utang natin sa kanila ang kanilang pagsasakripiso sa patuturo bagkus kung hindi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa ating timatamasa. Utang sa mga guro ang pagkakaroon ng mga lider ng bansa, pagkakaroon ng magagaling na engineer at architech, mga businessman at marami pang iba na naging maunlad dahil sa kanila.

Maraming guro na hindi lubusang nabibigyan ng atensiyon at napapangaralan. Maituturing na “bayani” ang mga guro na nagtuturo sa mga liblib na lugar sa probinsiya. May mga guro na nagtitiis maglakbay ng ilang kilometro para marating lamang ang eskwelahan na pinagtuturuan at magampanan ang tungkulin sa mga estudyante. May mga gurong naglalakad sa putik na daan para lamang mapuntahan at maturuan ang mga bata sa liblib na lugar. Tinitiis nilang mawalay sa kanilang mga anak ng ilang oras para lang maturuan ang libo-libong estudyante.


Nakakahanga ang mga guro na dahil sa kanilang marubdob nilang hangarin na maturuan ang mga kabataan ay hindi natatakot na madukot o lapastanginin ng mga taong may maitim na budhi. Lubhang kahanga-hanga ang mga guro na sa kabila nang maliit na sweldo ay walang sawa sa pagtuturo at tinutupad ang responsibilidad sa mga mag-aaral. Marami ang mga guro ang hindi nagrereklamo sa kabila na ang kanilang buhay ay salat na salat sa maraming bagay dahil ang mahalaga sa kanila ay ang magserbisyo at magbigay ng kaalaman sa mga kabataan bagkus ang kaalaman ay hindi nakukuha o nananakaw ng iba at ito’y madadala at pwedeng gamitin sa magandang bukas.

“Aking Guro, Aking Bayani” tunay talagang bayani ang mga guro dahil sila ang daan upang matupad ang ating mga pangarap o minimithi at magdadala sa atin sa maganda ng bukas.



Linggo, Oktubre 4, 2015

Kahalagahan ng Sanaysay

Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasanng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-akda. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil saisang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Ito ay mahalaga sapagkat dahil paglalahad ng matalinong Opinyon mga peronal na saloobin o damdamin. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ngpagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Martes, Setyembre 29, 2015

“Kaya mo, Kaya ko, Kaya nating lahat”




Sa tingin nila ang mga babae ay mahihina, pwes nagkakamali sila. Dahil Dito sa pelikulang ito, pinapakita na ang mga babae ay hindi pang bahay lang, ang mga babae rin ay panglabanan rin. Sila ay malalakas din kung di ninyo inaakala. Kung inaakala ninyo na ang mga lalaki lang ang nakakagawa ng mga bagay na mahihirap katulad ng pakikipaglaban, pagiging wais, at pagiging mautak. Ang mga babae rin ay nakakagawa rin niyan. Kaya wag ninyong maliitin ang mga kababaihan dahil sila rin ay tao na may kakayahan na gawin ang mga kaya ng mga kalalakihan.